Chapter 10 - Build

202 6 0
                                    

—Ziexa's PoV—

Sa ngayon ay nasa isa kaming mo  malawak na garahe. Sa palagay ko bahay na rin ito ng nagmamay-ari na pinatay nila Josi kanina.

And tinanong nyo kung paano kami nakapasok sa loob? Yes, Ailen did it again. S'ya ang nag-unlock ng lock kanina.

"Guys, pasukin natin ang nasa loob. Look for something to cover the whole area para hindi tayo makagawa ng ingay. Humanap tayo ng kama or sofa. Pwede ring unan para hindi tayo marinig ng zombies na nasa labas." utos ni Tara.

Pumasok kami sa isang pinto na kulay kahel at bumungad sa amin ang isang malinis na sala. May dalawang sofa na may maliliit na unan.

Kaya pinagtulungang buhatin nila Josi, Tex, Ailen, Jona, at Mio ang dalawang sofa. Nilagay nila iyon sa parang gate na bakal na pinapataas at pinapababa.

('Di ko alam ang tawag dun eh!)

Ang maliliit na unan naman ay pinatong-patong sa may sofa at parang gumawa ng wall.

Pumasok na rin ako pati na rin sila Ailen. May itinuro si Lexa na pinto at sinabing nandon ang isang kama kaya binuhat ito ni Ailen at Tex. Tumulong na rin ako.

➖➖➖

Pagkatapos namin harangan ng unan, kama, sofa, kumot at iba pang gamit para matakpan ang gate at hindi lumabas ang ingay.

"Okay so here's the plan. Kanina ay nagpakilala kami diba? Ako ay isang Engineer kaya I can build things. Also Mio is a scout he can help by using his other skills. So, we have to upgrade the bus." seryoso nyang sabi sa amin.

Gumawa sya ng sketch sa notebook na hawak nya at itinuro sa amin kung ano ang dapat naming gawin.

"Ang bintana na iyon ay papalakihan natin. Also lalagyan natin ng hagdan sa gilid para makaakyat tayo sa taas. Lalagyan rin natin ng supporting block para may maapakan tayo kung bababa o aakyat tayo same as sa bintana." sabi nya.

"Sa taas ay may mga railings na i-aattach natin. Gagawan din natin ng parang maliit na tent dun para sa ating look-out." dugtong ni Tara.

"Also papalibutan natin ang harap ng bus ng isang matibay na harang para kaya nating banggain at sagasaan ang mga zombies."

"We have to put loots sa taas. Kailangan nang bala ng look out, also binoculars at always active."

"Sa may hagdan ay lalagay tayo ng walkie-talkie gamit ang lata at string. Para mas mabilis tayong maalerto sa loob."

"Lalagay rin tayo ng mas maraming side mirror para malaman natin kung may zombies ba sa likod. Pati na rin sa hagdan ay lalagay tayo para pang-signal at makita ng bawat isa ang sitwasyon ng nasa taas man o sa baba."

"Kailangan din nating lagyan ng bubong sa taas gamit ang kung anong makita natin na available dito sa garage."

"Dagdagan din natin ng supporting bars ang windshield at harap ng bus. Also lalagyan nating ng something like spikes siguro or supporting bars din sa harap ng bus."

"Babawas din tayo ng upuan sa loob. Lalagyan natin doon ng lamesa at iba pang furnitures na useful."

"At lalagyan nating ng loots, lamesa, at takip ang mga nasa ibabaw. Lalagyan din natin ng mahabang pole sa taas para itali sa gagamitin nating bubong. Hindi tayo gagamit ng yero 'pagkat makakaattract tayo ng zombies if ever na masira iyon o kung matamaan ng hangin. Also dadagdag na lang tayo ng iba pa mamaya kung may makita tayong enough materials and tools. Sa ngayon 'yan muna ang plano natin." nakangiti at pinal na salita ni Tara kaya napangisi ang lahat dulot ng excitement.

Zombious EraWhere stories live. Discover now