Chapter 59 : Another One!?

86 5 0
                                    

M i s s y ' s | P o V

Nagsitanguan ang bawat isa kaya inihanda ako ang aking sarili.

Nang binuksan ko ang pinto ay nagulat kami nang sumalubong sa amin ang mga lalaking armado kaya biglang nanghina ang tuhod ko.

"Mukha yatang tama ang hinala mo na nandito ang mga kasamahan mo." 'kasamahan'? 'Mo'?

"Sandal--" pero hindi agad ako nakasagot ng may malakas na bumatok sa akin.

"Ang galing mo . . . Gordon."

Ang huling pangungusap na narinig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.

➖➖➖

Nagising ako nang may narinig akong umiiyak at humahagulhol habang mayroong umuuyog sa akin.

Tangina, anong nangyari?

"M-Missy, gumising ka na." pakiusap ng pamilyar na boses ng babae.

Bigla akong nanlumo at nawalan ng pag-asa. Akala ko, akala ko sila na ang liligtas aa amin ngunitpati rin pala sila ay nadakip. Sina ate Qain at si Tex kasama ang d-dalawang bata!? Tangina! Asan si Cally at si Fiona!?

"A-Ate Q-Qain." nauutal kong tawag sa kanya habang pilit na minumulat ang mata.

"G-Gising ka na. S-Salamat Panginoon!" mahina s'yang dumasal at humarap sa akin.

"Nasaan sina Cally at Fiona?" gulong-gulo na ang sistema ko. Bakit kami trinaidor ni Mio, pati ni Gordon? Bakit kulang nang dalawang bata?

Umiling ito bilang pagsagot. H-Hindi maaari! Inosente pa sila! Hindi! "A-Ate, hindi ito ang oras para magbiro." pag-aalo ko para mapilir s'yang sumalita ng totoo.

Tanging hagulhol at mga luha ang lumabas sa kanyang mat at bibig. Tangina! Bakit kailangan mapahamak ng mga bata!?

G-Gusto lang naming mabuhay.

Gusto lang namin mailigtas ang iba naming kasmahan.

Gusto lang naming makakuha at makakalap ng tamang impormasyon.

G-Gusto lang namin matapos ang apocalypse na ito!

Pero, b-bakit kailangan pang magkaganito ang mundo?

Bakit kailangan pa nila kaming saktan?

Pwde naman nila kaming bigyan kahit kaunting pagkin lang diba?

Pwede naman namin itong pag-usapan diba?

"Mukha yata napasarap ang pag-uusap n'yo. Nakakaistorbo ba ako?" ramdam ko ang pagkasarkastiko sa boses pa lang ng gagong asungot na ito. Isa sa mga dumakip sa amin.

Sinamaan ko ito ng tingin ngunit ngumisi lang ito na parang manyak. Dahan-dahan itong lumapit ngunit hindi ako nasindak. Handa akong mamatay.

"H'wag na h'wag mo akong bigyan ng ganyang klaseng tingin miss. Baka 'pagkamalan kitang pinagnanasaan ang katawan ko." dinilaan n'ya ang kanyang pang-ilalim na labi ngunit ako'y ngumiwi at nasuka.

Zombious EraWhere stories live. Discover now