Chapter 18 - Subdivision

133 7 0
                                    

Third Person's PoV—

"Ipasok mo ang sasakyan." utos ni Zia kay Alex na sinunod naman ito ni Alex.

Marahan silang pumasok at nagplano ng pansamantala bago bumaba. Sa labas pa rin si Lucas at nagbabantay.

Isinara nya ang gate at bumalik sa pinto ng bus.

"Guys, lumapit kayo sa amin." utos ni Uno.

Lumapit naman sa kanya ang kanilang kasamahan at nagtipon sa harap ng bus.

"So, sa subdivision na'to, hindi natin alam kung safe ba ang lugar na ito. But, pansamatala muna tayo dito. At para makatira dito ng pansamatala ay kailangan nating maging ligtas at para maging ligtas ay kailangang walang zombies sa loob at labas ng subdivision. For now, kailangan nating makahanp ng isang bahay, na malinis at ligtas para doon natin maihanda ang mga gamit natin. Doon din tayo iipon ng enerhiya buong hapon para naman bukas ay makapaglaban tayo ng maayos." anunsyo ni Uno sa lahat.

"Sa ngayon, marahan tayong papasik sa bahay na iyon. At doon pansamatalang magpapahinga." sabay turo sa bahay na nasa unahan nila.

"Ngayon, si Jonas, Jere, ako, Missy, at Zia ang lalabas. Para masigurado na ligtas ang loob ng bahay na iyan. Kayo naman Mairal, Tex, at Ford ang magbabantay dito sa loob ng bus at sa mga bata. Si Lucas ang babantay sa labas okay?" paninigurado pa ng binata kaya tumango ang lahat.

"Sige, lalabas na kami at papasok na sa bahay na iyon. Huwag kayong gumawa ng kung anong ingay dito para hindi tayo makaattract ng zombies." bilin naman ni Jona na nakahanda na ang baril sa kanyang kamay. Tumango lang sila Tex sa bilin ni Jona.

Nagsimula na silang lumabas at marahan na lumakad patungo sa bahay na pinakamalapit sa kanila. Isang kulay kahel na bahay at may bubong na kulay kahel din. May swimming pool ito at malaking garden. Dalawang grado itong bahay at halatang malawak sa loob.

May greenhouse rin sa kanilang parte ng garden. May garahe rin sila.

Sumenyas muna si Uno at titignan kung nakabukas ba ang pinto. Ngunit bigo nitong mabuksan ang pinto. Kung babasagin man nya ang bintana ay makakagawa iyon ng ingay kaya no choice sila kundi ang gawin ang dating gawain nila — ang gamitin ang backdoor.

'Di nama gaano kataas ang fence kaya, kayang-kaya nila itong hakbangan.

Umuna si Jouno at sumunod naman si Zia. Sa likuran nya si Missy na hawak ang baseball bat ni Tara at kay Jere naman ang shield nito. Sa likuran naman si Jona.

Sinilip ni Jouno kung may tao ba sa kusina at wala namang kung anong senyales na may tao maliban sa nagkagulong gamit.

Pinihit nya ang pinto pero nakasarado rin iyon! Napaisip na lang sya ng maigi kung paano mabuksan ang pinto. Nakaisip naman ng paraan si Jona at kinuha sa bulsa ang dala-dala nyang hairpin nung maghahanda na sana sila para sa contest.

Lumalit ito kay Jouno at pinatabi muna. Kinalikot nito ang loob ng doorknob at pinakinggan ng mabuti para mabuksan ito.

Matagumapay namang nabuksan ni Jona ang pinto. Napahinga naman ng malalim ang bawat isa at marahang pumasok.

Pagkapasok nila ay bumulagta sa kanila ang madumi at makalat na kusina. May mga basag na plato at baso na nakakalat sa kusina. May mga dugo ring nakabahid sa pader.

Patuloy lang sila sa paglakad hanggang marating nila ang malawak na living room. May mga paintings na nakasabit doon na halatang mamahalin. Marami rin vases na nakadesign at ang iba ay nabasag at nahulog sa sahig.

May mga nakakalat ring magazines at papel. Pati na rin ang pitong malaking sofa ay may bahid ng dugo. May mga nakakalat na damit at bulaklak.

"Halughugin ang buong area. Ikaw Jona, Missy, Zia ang sa taas habang kami naman ni Jere ang sa ilalim." utos ni Uno sa kanila kaya naman umakyat ma ang tatlo.

Zombious EraUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum