Chapter 30 - The Secret Way

104 4 0
                                    

M i s s y ' s | P o V

Nandito pa rin ako at katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Ailen. Damn. Naalala ko na naman ang sinabi n'ya kanina. Kadiri!

"Kadiri daw pero gustong-gusto mo dating halikan!" my fuckin' brain said.

Dati pa iyon okay!? Idol ko s'ya dati. But, not now. Medyo naturn-off ako. But, saang parte? Ewan. Parang naguguluhan ako.

"Wait! May naalala ako!" sambit ni Alien.

"Ano naman 'yun Alien!?" I asked with sarcasm. "Hey! Stop calling me with that nickname! Kanina ka pa!" he said. "Okay, fine. Ano ang naalala mo!?"

"Inaalala kita. Ayiee." pang-aasar nito. "Sige, isa pa Alien ka! Makakatikim ka uli--" pinutol n'ya ang sasabihin ko. "Ng halik?" he asked with a smirk. Bwisit.

"Tumahimik ka nga!" sabay batok. "Aray! Sorry na, heto na sasabihin ko na. Sa pagkakaalam ko ay isa sa mga sinukob ng hapon and lugar na ito. At maraming tao ang nagtago. Ang pangunahin nioang tinataguan ay ang isa sa mga sewages. Pero hindi tulad ng dinaanan niyo kamakailan lang. Nakatago ang sewages sa part ng second gate. Doon sa parte ni Mio. Remember nung nagputol tayo ng puno? I wandered around for a minute at nakita ko roon ang isang sewage at malinis ito kaso nga lang natabunan ng dahon kaya mahirap makita." paliwanag n'ya sa akin.

"Sure ka ba d'yan? Saan naman kami dadalhin ng sewage na 'yan?" I asked.

"I don't know, somewhere inside the city. Basta mag-ingat kayo. Baka may tao rin sa ilalim nun, kasi nakita kong parang may scratches doon ang lupa at halatang hinukayan ulit at sinadyang tabunan ng dahon."

"Ang talino naman yata nila. Sige, let me inform Uno para makapaghanda kami." I said and stood up.

"Sandali, limitado lang ang pwedeng pumasok doon. Limitado sa size dahil mga payat laang ang pwede roon. Baka, ikaw si Rev, Noah, Claire at iba pang payat na kasamahan natin ang nakapasok doon." pinigilan n'ya ako.

"Eh paano na 'to?" I asked. "Don't wory, magtiwala ka sa mga kasamahan natin. Hindi lang ikaw ang gustong makatulong. They also want to help." sabi n'ya.

"Sige, papasok na ako. Ikaw hindi ka papapasok?" I asked him. "I-ikaw? Papasukin k-ko?" he asked acting like he didn't get what I said.

"Bastos!" sigaw ko at sinapak s'ya sa mukha bago tumakbo paalis

Bwisit na manyak ka Alien!

➖➖➖

"Okay, bukas ko na lang sasabihin ang plano n'yong pag-alis. Nakatraining naman kayo kaya sigurado akong kayang-kaya n'yo naman makipaglaban at makipagtulungan." sabi sa akin ni Uno. "Sadly, hindi kami makakasama. Kailangan n'yo nang suporta kaso hindi namabkami kakasya. Sana pala hindi na ako nagpalaki ng muscles." sabay flex ng braso n'ya.

"Tanga! Baka magselos si Zia n'yan!" bigla kong naibulalas. Oo, nasabi kasi sa akin ni Tara ang buong pangyayari.

Natigilan naman s'ya sa sinabi ko pero bumalik naman kaagad sa ulirat.

"Sus, hindi 'yan." sabi n'ya at ngumiti, ng mapait? Mapait na ngiti ba 'yun o hindi? Well, baka nagkakamali lang ako.

"Sige na Uno, lalabas na ako at uuwi sa bahay namin." pamamaalam ko at tumango s'ya sa akin bago ako lumabas.

➖➖➖

Nandito kami ngayon sa main house, pinatawag kami at pinag-usapan ang plano.

At anim kaming lalabas. Ako, si Rev, Noah, Claire, Stephanie at Swan. Mas marami kaming babae kaya dapat mas maingat. But what guys can do, girls can.

Zombious EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon