Chapter 8 - Lost One, Again

214 7 0
                                    


—Ziexa's PoV—

Napatingin ako sa labas ng sasakyan. Patuloy naming binabagtas ang kalsada. Gabi na at wala halos makitang zombie sa daan.

Teka. Anong nangyayari?

As if I know, zombies we're more active in the night. But, what is happening?

I look around and saw nothing.

"Lexa, itigil mo muna ang sasakyan." sabi ko kay Lexa.

"Sige." sagot nya sabay pagtigil ng bus pero nakabukas ang ilaw.

Maya-maya ay linibot ko ang aking paningin.

May mga palapit na zombies! Humarap muli ako sa driver's seat kaya naman pala!

"Lexa, turn of the headlights, lahat ng nang ilaw." I said in a panicking voice.

Lahat sila ay nagsi-galaw at pinatay ang bawat ilaw sa loob. Pinatay na rin ni Lexa ang headlights.

Napalingon ako sa labas at nakita kong unti-unti nang nawawala ang mga zombies.

Totoo rin pala na zombies we're attracted to light.

"No sudden noises." I signed using my index finger and they just nod.

Unti-unting nawawala at umaalis ang mga zombies sa paligid, ngunit may mga natira pang zombies na palapit sa amin kaya nanatili kami sa ganong posisyon at di gumawa ng ingay.

Nagulat ako nang may narinig akong hampas!?  Hampas nga! May humahampas sa bus.

Liningon ko ang likod ng bus at nakita kong may tatlong zombies na humahampas don.

"Lexa , open the door. May zombies na humahampas sa labas." sabi ko.

"Huh? Di ba aalis naman sila 'pag pinabayaan?" tanong nya.

"No. Mas lalala pa 'yan kapag pinabayaan. Zombies we're attracted to lights, human blood and sounds." sagot ko kaya natigilan sya ng pangmadalian at binuksan ang pinto.

Agad akong bumalik sa upuan ko kanina at kinuha ang baseball bat ko.

Sumenyas ako kay Lexa ng tatlo at sabay bumukas ng pinto. Mabilis akong lumabas ngunit umiwas na makagawa ng ingay.

Maingat kong tinahak ang bitak-bitak na kalsada at tinungo ang likod ng school bus. Nakita ko ang tatlong zombies na kumakalampag sa likod ng bus kaya mabilis kong pinatumba ang isa at hinampas ng baseball bat ang ulo.

Hindi naman napansin ng dalawa na pinatay ko na ang isa kaya hinablot ko rin ang isa pang zombie at tinadyakan para madapa sya sa kalsada sabay hampas ng baseball bat sa ulo nya na nagdahilan para mawasak ito ng tuluyan.

Ang isang zombie naman ay sinipa ko sa tagiliran at sakto namang may basag na pinto na sasakyan kaya tinusok nito ang katawan ng zombie at pati na rin ang ulo.

Nandidiri man ay mabilis na akong pumasok sa bus at baka may masama pang mangyari sa akin.

Mabilis namang isinara ni Lexa ang pintuan.

Agad naman akong napahinga ng malalim at bumalik sa pagkaupo.

Sa di kalayuan ay may narinig akong isang malakas na hampas. Ulit. Pero, ba't nasa malayo?

Tinalasan ko ang aking paningin at nakita kong parang may nakikipaglaban sa dilim. Shit! May tao!

"Bababa ulit ako." sabi ko kay Lexa na ikinakunot ng kanyang noo.

"At bakit? Delikado na sa labas." sagot ni Lexa na may pag-alalang tono.

"Saglit may kukunin lang ako sa labas." palusot ko.

Zombious EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon