Chapter 46 - Stranger

71 3 0
                                    

M i s s y ' s | P o V

Napayuko ako at bumuntong-hininga. This week is a the biggest burdwn and thorn who stabbed not just my heart but in my brain too.

Pagod na akong mag-isip ng mga posibleng mangyayari bukas. Ano nga ba ang mangyayari bukas? May babawas na naman ba?

I swayed my foot to the seat but suddenly, I felt I hit something.

Natumba iyon at gumawa ng tunog. Nasa ilalim ito ng upuan kaya hindi ko ito napansin, lalo na't magkakulay sila ng mat ng bus na kulay itim.

Sinilip ko at natagpuan ang isang bag. Teka, pamilyar 'tong bag na 'to! At mas lalong pamilyar ang upuang nasa harap ko, ang upuan ni Zia!

Hinablot ko ang bag na iyon at hinalukat ang bag. Mayroon iyong damit at nandoon pa ang iba n'yang gamit. Pero nagulat ako ng may makita akong notebook sa pinakailalim.

Teka, para saan 'to?

T a r a ' s | P o V

I knew it. Alam kong mangyayari ang ganitong sitwasyon.

A week after what happened, umiiwas na sa akin si Missy. At kung tangkang lalapit ako sa kanya ay gagawa s'ya ng paraan para makaiwas sa kin. And, it hurts me.

Masakit makita na ang taong napalapit na sa iyo ay parang nawalan na ng tiwala sa iyo at unti-unting nabubura ang pinagsamahan n'yo.

While me? I secretly cry at night. Tumatago ako sa loob ng UpBus at sinisisi ang sarili. Lalo na't ako ang nagpumilit na lumabas at pasukin ang canal na ngayon ay pwede nang madaanan.

May second base na kami, doon sina Loraine, Gordon, Mairal, Ford at Lucas, kasama na rin si Riley.

Kaya medyo naging maluwag ang farm at tumahimik ng kaunti.

Sa isang week na iyon ay patago lang akong umiiyak at iniiwasan ako ni Missy.

At kung magkasalubong kami ay binibigyan ko s'ya ng matamis na ngiti, pero parang hangin lang ako sa kanya. It feels like I'm a stranger to her.

Wala na ang tawa n'ya. Wala na ang kagagahan n'ya. Nag-iba na ang ugali n'ya. Hindi na s'ya tulad ng dati na palangiti. She's more like a cold person. Cold as ice.

Tulala sa tabi, ngingiti ng peke at tahimik. Not the usual Missy we know that the Happy-Go-Lucky girl.

Pero, ganun na ba kabigat ang kasalanan ko na kahit tapunan ako ng tingin ay hindi n'ya kayang magawa? Bakit nung nawala si Zia, hindi naman s'ya naging ganito. Never s'yang naging malamig. Oo, umiiyak s'ya, but she always look for a good side.

"Still thinking of what Missy's thinking? Don't worry, everything will be fine." napalingo ako kay Rev nung magsalita s'ya. "H-Ha?" lutang kong tanong at tumayo sa pagkaupo sa mga nakarolyang dayami.

"Alam ko ang iniisip mo pero kailangan muna natin s'yang ipagpahinga. She needs to refreshen herself first so she can forgive you. She just need some fresh air and great news." he cheered me up.

"So, okay, let's change the topic for now. How about, we help the other plants right over there!" tinuro n'ya ang mga kasamahan namin na tumatanim.

Zombious EraWhere stories live. Discover now