Chapter 15 - Hide

177 8 0
                                    

—Third Person's PoV—

Maraming mga zombies ang nagkukumpulan sa labas. Sa taas naman ay nagpapanic ang dalawa — sina Ailen at Mio.

Hindi nila alam ang gagawin kundi ang babain ang mga tarpaulin at tumago sa tent. Lahat ay tinabunan nila, ang nasa gilid nila at sa harap. Ang likod naman ay nakasara na rin at inipitan nila ng gulong bago pa sila umalis sa garahe.

Nanginginig naman ang mga bata pati na rin ang mga estudyante sa loob.

Nagtulungan si Tara, Mairal at Tex na ipangsara ang bawat bintana. Napasinghap naman ang iba sa gulat na baka atekihin sila bigla.

Madilim na rin ang paligid at mabilis na nilamon nito ang buong lugar. Sina Ailen naman at Mio sa taas ay hindi makikita o maaaninag kahit buksan nila ang flashlight kaya binuksan ni Ailen ang flashlight na parang lamp.

Ngunit palaisipan sa mga nasa loob kung paano makakakita sa dilim. Nangangapa na rin sila kaya hindi nila maiwasang makagawa ng mumunting ingay.

"I know!" bulong ni Jere.

Mabilis nitong kinuha ang lightstick na kapag binali ay maggo-glow ng katamtaman.

Binali nya ang stick at nagsimulang magkakulay berde ang paligid. Napatingin naman sa kanya ang kanyang mga kasamahan at lumapit. Iniligay niya ang lightstick sa may ilaw pero syempre hindi naman sila matutunton ng mga zombies sapagkat katamtaman lang ang ilaw na ibinibigay nito.

"I guess, na dito muna tayo matutulog ngayong gabi. Hanggang kumaunti na ang mga zombies sa labas at hindi na sila pa nagkukumpulan." bulong ni Josi. Tumango lang ang kasamahan nya para maging tahimik at hindi na magkagulo pa kapag nagkasabay ang pagsagot.

"But, before that, kumain muna tayo." inaya ni Tara ang mga kasamahan at binigyan ng makakakain.

"Sakto! Hindi tayo kanina nakapagtanghalian." sabi ni Jere. 

Tahimik na kumain ang lahat ng nasa loob ng bus, ngunit hindi ang nasa taas na dalawa.

"Nabigyan nyo na ang dalawa?" tanong ni Zia kay Tara.

"Oo, kanina pa sila nakakain so don't worry." sagot naman ng dalaga sa kanya.

Binigyan din sila ng tubig at nagsimula nang magpahinga sa mga upuan.

Habang ang dalawa sa taas ay kanina pa hindi mapakali sapagkat may nakikita silang takng lumalakad sa gitna ng mga zombies.

Nakatago ito pero ramdam ng dalawa na normal itong tao dahil hindi paika-ika ang lakad at hindi nagpapakita ng biyolenteng gawain.

K I N A U M A G A H A N

Nagising si Zia ng maramdamang gumagalaw na ang sasakyan. Wala na palang zombies at nagsimula nang magdrive si Lexa.

Napag-isipan ni Zia na timplahan ng kape si Lexa. Sa paningin ni Zia, ay normal lang na bakla ang tatlo nilang kaibigan. Ngunit, sa totoo ay may mukha talaga ang mga ito. Kung hindi lang talaga nagkaroon ng apocalypse ay tiyak na hindi mamamayat at manghihina ang mga lalaki.

But each cover has it's own story.

May mga dahilan kung bakit sila nagbalat-kayo bilang binabae. At mga sikreto at dahilan sila kaya sila pumapanggap na binabae.

Napaigtad si Zia nang naramdaman umuga ang bus. Nagulat na lang ito nang makita si Lexa na pagod na pagod.

"Oh, heto, pangpagising." medyo may pagbibirong alok ni Zia sa kat Lexa.

Zombious EraWhere stories live. Discover now