Chapter 12 - Look Out

200 7 0
                                    

—Zia's PoV—

Wala kaming choice kundi dumiretso at pumasok sa sentro mismo ng city. Alam naming delikado kaso walang choice dahil nga sa mga zombies at nahulog na debris.

Sa kabilang banda naman ay sumisilip kami sa mga kurtina at tinitignan ang sitwasyon sa labas.

Kakaunting zombies lang ang sa labas at walang kumpulan. Lahat ng stores ay nakasara at ang mas malala ay maiingay ang kani-kanilang gate.

May mga patay na tao at zombies sa labas.

May mga dugo at laman loob na nakakalat sa kalsada.

Madumi at maraming basura ang lumilipad sa ere.

Tanging iyon lamang ang makikita sa labas.

Nakakakilabot ngunit totoong nangyayari talaga. Kahit ako man ay hindi makapaniwala, bat I have to face the fact that this fucking apocalypse is here.

Sa taas naman ay sina Ailen at Mio. Sigurado akong sumisilong na sila ngayon dahil sa init at tumatago na rin sa loob ng pahingahan.

Binuksan ko ng kaunti ang mga bintana para naman makapasok ang hangin. At least hindi kami masasakal sa init at kawalan ng hangin.

Maingat at normal na ngayon ang pagpatakbo ni Lexa ng bus.

Iniiwasan rin naming hindi gumawa ng ingat kahit nasa loob kami ng bus.

Tanging paghinga at bulungan lamang ang maririnig.

Nakaramdam ako ng gutom kaya tumayo ako atnaghanda ng makakain ng lahat. Tinapay na naman at peanut butter. 'Yung ibang snacks ay nasa taas para naman sa dalawang iyon.

Pagkatapos kong gawan sila ng pagkain ay isa-isa kong pinamigay ang tinapay.

Kumuha rin ako ng tig-dalawang maliit na tsisirya at ibinigay sa bawat isa.

Pati na rin si Lexa ay kumakain habang nagmamaneho.

Sinubukan kong tawagan sila Ailen sa taas.

"Ailen? Gusto nyo ng peanut butter sandwich?" tanong ko gamit ang walkie-talkie.

"Sige, nagugutom na rin kami eh, pakiramihan ha?" sagot naman ni Ailen sa kabilang linya.

Mabilis akong gumalaw at gumawa ng anim na sandwich. Nilagay ko ang sandwich sa paperbag na nakuha ko kanina sa kahon at itinupi iyon. Kumuha na rin ako ng apat na tubig at nilagay sa plastic.

Binuksan ko ang widened window at lumabas. Umakyat ako ng hagdan at nakita ko si Ailen at Tex na nakaupo sa loob ng open-tent. Nakababa ang trapal sa kaliwa sapagkat may siwang ng init doon kaya ibinaba nila.

Iniabot ko sa kanila ang pagkain at tubig kaya nagpasalamat naman sila.

Maganda pala 'pag sa taas ng bus. Mahangin.

Maraming nakatambak na box sa sinasandalan nila Ailen kaya inusisa ko iyon.

Hmm, broken watches, eating utensils, flashlight at iba pang-gamit.

Tanging flashlight lang yata ang magagamit dito! Pabigat lang ang ibang gamit eh!

Pero biglang may pumasok sa isip ko at sinubukang paganahin ang creativity ko.

Kailangan ko ang tulong ni Missy. Kaya lumapit ako sa walkie-talkie at sumalita.

"Missy, kailangan kita dito sa taas. Dalhin mo ang bag ko. Tsaka, sandali muna." pagputol ko.

"Ailen? Dala-dala mo pa rin ba ang ibang gamit na nakita natin sa bahay bago tayo nakarating ng supermarket?" tanong ko kay Ailen.

"Oo naman. Bakit?" usisa nua pabalik.

Zombious EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon