Chapter 60 - Survival Skills

142 8 0
                                    

T h i r d | P e r s o n' s | P o V

Tulala't nag-iisip ng paraan ang dalaga para makaalis sila sa malaimpyernong lugar na ito.

Lumingon-lingon s'ya sa paligid at nakita ang iba pang kasamahan. Kaya't nabalot ng awa ang kanyang puso at nilapitan ang mga ito.

"Maayos lang ba ang kalagayan n'yo?" puno ng pag-aalalang tanong ngdalaga habang hinahawakan ang braso ng mga kasamahan.

"Maayos lang kami ngunit malubha ang kalagayan ng dalawa." usal ng binatang si Ailen.

"Sinong dalawa?" aniya at napatingin sa tinuro ng binata.

"Sino sila?" tanong n'ya dito.

"Mga nabihag rin sila ng higit sa dalawang linggo dito. Nang maiuta namin sila dito ay 'di namin sila matulungan. Lalo na ang batang lalaki na duguan ang ulo." saad ni Ailen. "Buti na nga lang at unti-unting pinapagaling ni Tex ang sugat nito sa ulo."

"Ikaw, okay ka lang ba? Anong nangyari d'yan sa pisngi mo?" tanong nito habang hinahaplos ang pisngi ni Ailen. "A-Ahh, oo. Okay lang ako." naiilang na sagot ng binata.

"Nga pal--." naputol ang sasabihin ng dalaga ng may narinig silang magkasunod na putok ng baril.

"Ano 'yun?" tanong ni Stephanie. "Gunshot malamang." pambabara ni Claire sa dalaga. "Shattap bitch." bulong nito at pinandilatan ng mata.

"You shattap." asik nito pabalik.

"Ano kaya ang nangyayari sa labas?" kuryosong tanong ni Tara. "Tiyak akong may masamang nangyari." sabat ni Rev.

At lahat sila ay nagkatitigan, "At itona ang tyansa natingmakatakas." Halos magkasabay nilang bigkas. Maliban sa tatlo, ang bata ang dalaga at si Tex.

"Kailangan nating paganahin ang utak natin ngayon. Lalo na't limitado ang mga kagamitan natin. So let's search the area. Rev and Ailen, follow me. Uno, lead the others. At ibaklas na rin ang bookshelf na iyan ngunit sa maayos na paraan. Ang mga haligi ay pwedeng ipanghampas sa mga tauhan at sa mga zombies na rin. Habang ang mga flatted surface can be used as shield. Ganundin ang gagawin namin nila Rev sa lamesa. 'Wag na tayong magpatumpik-tumpik pa. Move." saad ko at magsimula na kaming magpambaklas.

Nilagay ko ang ningas sa gitna para mailawan ang buong paligid.

Nagsimula na kaming baklasin ang lamesa gamit ang mga kamay namin. "Sandali, hawakan mmo diyan sa kabila ang isa Rev at dito naman si Missy sa kaliwa. Higpitan n'yo ang pagkahawak ha?" kuda ni Ailen habang tinuturo ang parte na dapat naming hawakan. Ngunit kahit ano pang gawin naming paghila ay wala pa ring nangyayari.

Napalingon ako sa paligid at naghanap ng pwedeng maipukpok sa lamesa. Wala akong nakitang bato, kaya't mas tinaliman ko ang aking mata hanggang sa nakita ko ang makapal na English Dictionary na nakapatong sa mga nakatumbang aklat na inalis nila Mairal.

Gamit iyon ay pinukpok ko pabaliktad ang aklat kung kaya umangat ang plywood. Ginawa ko rin ang same process sa bawat sides ng lamesa.

Rinig ko rin na pinupukpok ng iba naming kasamahan ang bookshelf gamit ang mga aklat.

Nang maiangat ang plywood ay di-nis-arrange namin ito at pinaghihiwalay-hiwalay.

Zombious EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon