Chapter 40 - Good Start

86 7 0
                                    

M i s s y ' s | P o V

Looking outside and watching how the sun shines. It's so hot, yet we're still in the middle of our trip.

Pero bakit kami papalayo sa syudad? I thought we're gonna move in into another place.

Ang alam ko lang ay pupunta kami sa kabukiran or sa country side. But, why?

"Tara? Bakit tayo nagpakalayo sa syudad? Di'ba dapat lilisan tayo ng syudad at lilipat sa ibang lugar? Hindi ang pagpasok pa lalo sa probinsya ng syudad?" naguguluhang tanong ko.

"Oh, hindi ba nai-explain sa'yo ng maayos ni Ailen?" she asked. Umiling ako at umupo sa tabi n'ya.

"Ang lalaking 'yun. Okay, so nung nawalan ka ng malay kahapon ay nag-usap kami while in the road. Nagtanungan kami kung saan tayo gagawa ng next base or kung ano ang masunod na gagawin natin. Hanggang sa naisip ko bigla na maggawa na lang muna ng base, lalo na't medyo masikip na ang UpBus dahil sa rami natin. So, we have a debate, it's either to choose to have a base secretly inside the city, or in the rural areas like countryside, plain lands and more. In the end, rural area has won. Majority naman kasi. Kaso bigla akong napaisip na kung paano tayo magiging updated sa labas kung tayo rin naman mismo ay nagtatago?" she paused for a while.

"Then, sinabi ko na lang na sina Claire na lang ang doon, sadly wala na si Gail kaya lima na lang sila doon." pagtatapos n'ya.

Napalingon ako sa likuran at napansin na may binabantayang lalaki si Tex kaso natatabunan ng likod ni Tex ang mukha ng lalaki.

"Sino 'yung binabantayan ni Tex?" I asked curiously. "Bakit type mo!? Hala! 'Di ka na nakuntento sa is--" sinapak ko s'ya. Char, binatukan lang.

"Gaga! Nacurious lang!" usal ko. "So, sino nga?" I asked.

"Gaga ka ba? Nakalimutan mo na 'yung lalaking niligtas n'yo kamakailan lang?" she asked me that made me realized it was that guy we saved from the zombies!

S'ya pala iyon! But, bakit nakahiga pa rin s'ya?

"Bakit nakahiga pa rin s'ya?" I asked again. "Ewan, ilang araw na rin 'yang hindi nagising. Natrauma yata or na-coma." biro n'ya ba iyon or seryoso?

"Ahh okay, by the way, si ate Qain? Okay na ba s'ya? Nasabi sa akin ni Ailen ang nangyari. Nung gabi na muntikan na rin kayong mapahamak." I said but without using my blaming tone. Instead, I gave an apologetic smile. That's it Missy! Be you!

"Okay naman s'ya! Ayun oh!? Kita mo s'ya? Ganadong-ganadong kumain ng mangga na sinasawsaw sa sabaw ng sardinas." naglilihi pa rin s'ya.

"Ow, ano kayang magiging gender ng baby? Is it a girl? Or a boy?" I asked excitedly. "I would choose a girl para naman dumami ang nga tao." sagot n'ya ng may makahulugang ngiti. Gaga! Ang bastos!

"Gaga! Maghunos-dili ka nga at dumasal. Kung ano-ano nang bacteria ang pumapasok sa bibig mo at iba na ang lumalabas." nang-aasar kong ngisi. "Maka-hunos dila 'kala mo naman inosente!" pang-uuyam pa n'ya.

"Tse, manahimik ka na nga! Mag-isip na lang tayo ng mga kagamitan na pwed nating magawa at mga bagay na pwede nating gawin sa kabukiran o kung saan man tayo pupunta." pag-iiba ko ng topiko.

"Sige, sige. Heto papel oh, sketch mo lang ang maisip mo o 'di kaya'y isulat mo." inabot n'ya sa akin ang papel at lapis. Ano nga ba ang magagawa namin sa rural area?

R e v ' s | P o V

Sumalubong sa amin ang preskong hangin pagkapasok namin ng arko na may nagwe-welcome sa kanilang baryo.

Kalmado at marahan ang ihip ng hangin at 'di gaano kalakas kata hindi naman nagagalaw ang open tent.

Tanaw dito sa taas ang malawak na palayan, mapunong kagubatan at malinis na paligid.

Mukhang walang bahid ng outbreak. Para bang, normal lang ang lahat.

"Hmm. . ." ninamnam namin ni Mio ang preskong hangin. "Woah. . ." napalingon kaming dalawa sa hagdan at nakita namin si Lucas at Ford na nagpapahangin at namamanghang tinitignan ang paligid. Para bang isang normal na buhay lamang para sa mga magsasaka.

'Ni walang bahid o makikitang may nangyari ditong kaguluhan. Nakakamangha.

Bumalik ulit ako sa shade ng open tent. Mahangin man rito ay hindi maiwasang maging mainit rin.

"Saan ba talaga ang destinasyon natin?" tanong ni Mio kay Lucas. "Ewan. Somewhere clean and safe daw for us to live. 'Yun ang sabi ni Tara sa akin kanina."

"Mukha namang ligtas rito noh? Kaso, nakakapagtataka lang at bakit parang walang tao dito? Para bang 'ni bahid ng dugo ay walang makita sa kapaligiran." nagtataka kong sinabi sa kanila. "Oo nga noh? Strange." sagot naman ni Ford.

"Baka, matagal na sigurong inabandona ang baryo? Mayroon akong nabasahang ganun, na inaabandona ang mga baryodahil sa nangyaring sakuna or anything na makakapahamak sa kanila." sagot naman bigla ni Mio. "Baka nga siguro. Sino ba naman kasi ang hindi lilikas gayong may nangyayari nang kagatan at patayan? If I we're them, ganun din talaga ang gagawin ko." sagot naman ni Ford.

Maybe, but I feel pity for the kids who uses to play in the place like this. Nakakaawa ang mga bata na ngayon ay tumatakbo hindi dahil sa naglalaro, kundi tumatakbo sa kamatayan.

Bumalik na naman ang katahimikan kaya ninamnam namin ang preskong hangin ng baryo.

"Nga pala, kamusta na 'ung lalaki na kita nila Rev?" tanong ni Mio sa kanila. "Ayun, natrauma yata, hindi pa nagising simula ng kamakailan. Baka aabutin ng ilang araw bago s'ya magising." sagot ni Ford. "Bakit parang ganun ang katawan n'ya? Parang nanlalata at nanghihina. Kawawa naman siguro s'ya. Baka kung ano munang pagpapahirap sa kanya ang ginawa bago ipain." naawang sabi ni Mio.

"Oo nga, 'di na kami nag-atubili pa at tinulungan kaagad s'ya. Ewan nga ba king ano ang kasalanan n'ya." sagot ko naman.

Bigla na namang tumahimik.

"Si ate Qain, anong nangyari sa kanya at nagkagulo kayo kagabi?" tanong ko  "Ahh, wala. Di'ba pinalibutan tayo ng mga zombies kagabi? Ta's bigla na lang pinabilis ang takbo ng sasakyan, kaya ayun, medyo kinabahan s'ya kaya nagpanic si Omy at tinawag si Tex." sagot ni Lucas.

"Ahh, kaya naman pala. Maayod na ang kalagyan n'ya?" tanong ko. "Oo, okay naman daw, kinabahan lang kaya pinagpahinga muna." ani Lucas.

"Astig! Ang lawak ng palayan oh!" tinuro ni Ford ang palayan at natagpuan namin ang nga sumasayaw na pananim dahil sa hangin.

I wish starting today, luck will find us and stay with us.

Nakakapagod na ang makipaglaban sa mga zombies, pero mas nakakapagod ang makitang unti-unti nang nalalagasan ang grupo.

I hope we'll have a good start. And the good start will start now.

Kahit dito lang naman sana ay matagpuan namin kahit pansamantala lang ang kaguluhang nangyayari sa mundo. Kahit ngayon lang. Kahit dito lang. Kahit pansamantala lang. Sana, sana matapos na ang gulong ito.

→End of Chapter 40←

➖➖➖
Code's Note!

Sabaw na naman. Haha.

➖➖➖

PLEASE
VOTE
COMMENT
FOLLOW
SUPPORT
AND
SHARE

ALSO ADD ME ON;
FB: Cryptic Code WP
Tiktok Acct: suenxvenus

Thank you for waiting and reading!

Code😊✨

Zombious EraWhere stories live. Discover now