Chapter 53 - Done

66 4 0
                                    

M i s s y ' s | P o V

Natahimik kaming dalawa habang nagmamanman sa mga lalaking tumatakbo at sinusundan ang direksyon kung saan nanggagaling ang tunog ng pagputok ng baril.

Tensyonado ang paligid kahit napakatahimik.

Sa madalim kami nagtago ni Tara at hinintay na makaalis ang mga lalaking nagtatakbuhan.

Nakagawa kami kanina ng plano para makatulong sa mga kasamahan namin.

Papalapit na ulit kami sa barn at maingat na lumalakad habang nakatago sa dilim.

Sa loob ay maririnig namin ang mga mabibigat na hibga ng tao na nasa loob. Rinigdin namin ang paglagabog ng kung ano man sa loob laya mas natakot ako sa kung ano man ang mangyari sa loob.

"Tang ina, bakit pakaunti ng pakaunti tayo!?" mura ng kanilang leader na halatang kunakabahan dahil sa panginginig ng kanyang boses.

Hindi kami labas sa amin pinagtataguan at nanantili sa likod ng barn, baka kasi makita nila kami kapag tuluyan kaming lumapit sa kanila.

Tanging sinag ng bilog na buwan ang nagsisilbing ilaw namin at kita namin ang mga galaw ng mga kalaban.

Lahat sila ay may dalang pistols na mas ikinatakot namin ni Tara dahil sa isang maling galaw lang namin ay mamamatay kaming dalawa.

Nakapasok na ang lahat na kalalakihan sa loob maliban sa dalawang lalaking nahuli. Kaya mabilis kami kumilos ni Tara at hinablot silang dalawa bago tahimik na pinatay. Sa paraan ng maggilit ng kanilang leeg.

Pagkatapos namin silang patayin ay kinuha namin anh kanilang gamit at mga baril bago nagmatyag ulit.

Dahil sa wala nang tao sa labas ay pumasok kami ng barn at tumago sa mga barrel na nasa gilid lamang ng pinto.

Sumalubong sa amin ang magulong barn at natumba ang mga shelves. May mga nagkalat ding dayami at mga gamit.

May falawang lalaking nagkakalkal sa loob ng drawers, may isang tumungo sa cr, may tatlo sa kusina at ang isa naman ay dumiretso sa living room na ikinabahala namin.

Himbis na unahin ang ibang naghahalughog, tagad naming sinundan ang lalaki na pumasok sa living room.

Ako ang nagpresinta na umuna at para magsilbing bantay sa likuran ko si Tara.

Walang makakapansin sa amin dahil nakayuko kami at tumatago sa mga natumba at nakatayong mga barels, shelves, lamesa at mga upuan.

Nang nasa harap na kami ng pinto ay binuksan ko ito ng maingat.

Pero ang mas ikinagulat ko ay may tumamang matigas sa aking batok at lahat ay biglang nandilim.

T h i r d | P e r s o n ' s | P o V

Nagulat si Tara dahil natumba ang tao g nasa harapan n'ya kaya mabilis s'yang lumapit sa kinaroroonan ng dalaga, ng maingat.

Dadaan na sana s'ya sa pinto ng may akma na namang humampas sa kanya ngunit mabilis s'6ang nakayuko at hinawakan ang paa ng kung sino man ang nanghahampas.

Nagulat ang dalaga nang makita n'ya ang mukha ng tao na humahampas sa kanila.

"Tex!! Bakit mo hinampas si Missy!?" pabukong na tanong ng dalaga dala ng gulat at takot.

Zombious EraOnde histórias criam vida. Descubra agora