CHAPTER 4

8.3K 115 7
                                    

San Juanico Bridge

Pagkatapos niyang sabihin iyon, he immediately left the kitchen. I don’t honestly know what to feel. His words are so gentle. Sa sobrang banayad imbes na mainsulto sa narinig, napapangiti ako. Wala sa sariling hinawakan ko ang magkabilang pisngi. I should embrace myself. Hindi ako pwedeng makaramdam ng ganito. Para akong elementary na napansin ng crush!

Tinapik-tapik ko ang mukha. Wake up btch! Hindi mo pwedeng pagnasaan ang pinsan mo.

My gosh! This is so wrong, so fvcking wrong.

Hindi pa nga ako nag-iisang araw rito, ito na ang mararamdaman ko. What more in the following days?  Napatingin ako sa dalawang sandwhich sa hapag. If I am not mistaken, it’s chicken sandwich. I bite my lip, sa lahat ng sandwich sa mundo, why my favorite?

Napailing kong kinuha ang isa at marahang kumagat. I closed my eyes upon tasting the food. Parang mas lalo kong naging paborito ang sandwich na ‘to. Agad kong linantakan ang pagkain. Even if I’m not hungry at all.

Pagkatapos, I hurriedly went to the garden. This will be my usual routine. Wala naman akong magagawa for now, besides wala pa akong friends. Sa susunod na linggo pa ang pasukan.
Ngumiti ako sa nakikita. Pinili kong tumayo nalang instead of sitting. Nakakapagod rin kaya umupo.

Kumusta na kaya sila mommy? I’m sure nasa Bicol na sila sa mga oras na ito. I need to call them for assurance.
Agad kong tinawagan ang numero niya. Kumunot ang noo ko nang walang sumagot. I tried again for the second time, and no one answered.

Nagsisimula na akong mag-alala. Yes, this sometimes happen. Pero iba ngayon eh, they are too far away. They’re out of my reach. And that is what’s making me feel this way.
I sighed and decided to text her nalang.

To: Mommy💛

Mom, call me when you read this.

Napailing akong naupo. This is one of the conflicts for being away with your parents. Hindi mo alam kung ano ang nangyayari sa kanila. Being the daughter, halos himatayin ka sa pag-alala. But, I trust them. I know nothing’s wrong.

Nanatili ako doon sa garden hanggang magdilim. Pagpasok ko sa bahay, tito and tita were in the living room.

"Good evening tito, tita." I smiled at them.

"Good evening too, hija." Tita answered, ngumiti lang sa akin si tito.

"If you have concerns and problems, you inform us okay? We are just here." I nodded at her.

"Nakita mo na si Kuya Drake mo?" natigilan ako sa naging tanong ni tito.

I don’t know what to answer. Hindi pa kami ganoong nag-uusap ni kuya. Kahit sinabi niyang huwag ko na siyang tawaging kuya, hindi ko pa rin magawa. It’s still kinda awkward in my side. Sa katunayan, palagi itong umaalis kahit kasisimula palang ng usapan. Isa pa, kadadating ko lang.

"Yes po tito, we’ve already meet." I answered politely. He nods his head in response.

"Why don’t you join us? Come here this is fun!" Nagtataka kong sinilip kung ano ang ginagawa nila. I immediately shook my head. They’re playing chess. Wala akong alam diyan.

I remember one time, naglalaro rin sila mommy at daddy. Then ako iyong pumalit kay daddy kasi natalo siya, only to be laughed at by my mother.
Paano ba naman, I will always move a piece kahit mali ang moves. Tapos tawa sila ng tawa, pinagkakaisahan ba naman ako.

I smiled lightly remembering those moments. That’s one of the unforgettable memories with them.

Uh.. I miss them so much.

Dirty Secret (COMPLETED)Where stories live. Discover now