CHAPTER 25

5.5K 63 27
                                    

Surprise

"What are you all doing here? Come in, dito tayo sa loob mag-kumustahan."

Naputol ang tinginan namin ni tita Abigail ng dumating si tita Clarries. I turned my head towards her direction and saw her approaching mommy's side. Habang nanatiling walang kibo si tito Emmanuel.

"Hipag, it's been a while! Ano ba ang sekreto mo at pa-bata ka ng pa-bata?" hirit ni mommy. Tita Clarries giggled in response.

Tita is indeed a beauty. Despite her age, she's undeniably gorgeous. Alagang alaga pa rin ang katawan at makinis ang mukha. No doubt, Drake and Dwayne's feature is a no joke. They can pass as a model and artist!

Pero syempre, mas maganda pa rin ang mommy ko.

"Small thing, Hipag. Alam mo na, sa panahon ngayon kailangan maganda ka. Dahil kung hindi, baka maghanap ng iba ang magagaling nating mister."

I witness how tito Emmanuel's eyebrows creased. Na parang hindi siya makapaniwalang naririnig niya iyon sa sariling asawa.

Napaisip ako bigla, ganun ba iyon? Kailangan bang maganda ang isang babae para lang manatili sa tabi nito ang karelasyon?

I can't deny the fact that those with pleasant looks and money got everything they need. Na kung tutuusin, mas pinapaburan pa sila ng nakararami. Bumabase sa panglabas na kaanyuan.

What about Drake, Angel?

Paano nga kung totoo itong sinasabi ni tita? Paano kung iwanan ako ni Drake dahil sa hindi na ako maganda?

Marahas akong umiling while laughing inside my head. I know he won't leave me. Kahit pa maging kulubot na ang balat ko, o pumuti man ang buhok ko. Panatag akong hindi niya ako magagawang ipagpalit. The question is just so shallow.

"Hon, what are you talking about?" nakakunot noong tanong ni tito.

Tumawa naman si tita at mommy, na parang sila lang ang nagkakaintindihan. Imbes na sagutin ang tanong ng asawa, tita Clarries grab mommy's hand and entered the household without inviting us.

I sighed, looks like mas na miss ni mommy si tita kaysa sa akin.

I chuckled and shook my head.

"Hayaan mo na sila, Emmanuel. This is not new to us anyway." daddy announced.

Lumakad siya hanggang nasa tabi ko na. May pangamba pa rin akong nararamdaman sa kalagayan niya. Maybe it's better if we would visit a doctor here. For assurance.

"Let's get inside, Dominique. Leave your baggage's in the car, someone will bring them to your room." tito informed them.

Natigil ang akmang pagbubuhat ni tita Abigail sa bagahe niya. I warmly smiled before approaching her.

What's wrong tita? Hindi naman po ako kumakain ng tao.

"Mauna na kami, hija. Baka kung ano na naman ang pinag-uusapan ng mommy at tita mo." Paalam ni daddy. Tumango ako bilang sagot.

He went to my side and kiss the top of my head. I then close my eyes. How I missed this sweet gesture of him.
Seconds later, tita Abigail and I are left in front door. I was a bit hesitant to converse with her. Napansin ko ding naiilang siya sa akin.

Honestly, I didn't know anything about her. Ngayon ko lang siya nakita at nakilala. I have a previous knowledge that daddy has a sister leaving in abroad. Siguro siya iyon. But if I remember it correctly, they are twins. Isang babae at lalaki. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at ngayon lang sila nagpakita.

"Pasok na po tayo sa loob, tita." I invited her. Napahinga ako ng maluwag ng ngumiti siya sa akin pabalik. She really looks someone I know.

Saan ko nga ba siya nakita?

Dirty Secret (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon