CHAPTER 17

6.1K 85 46
                                    

Cheater

Hindi ako mapirme sa kinauupuan. Masama ang tingin ko sa kaniya na hanggang ngayon hindi man lang bumaling ng tingin sa akin.

How can he act like this?

He will demand me to talk to him, na kung tutuusin manloloko siya! I pity the girl. If I were her, I would kick his balls off, until he can no longer produce an offspring!

Such a cheater!

Ang kaliwang kamay niya ay nakatukod sa may bintana. He would sometimes tapped the steering wheel, like a bastard he is.

Kinuyom ko ang sariling kamao bago magpakawala ng malalim na buntong hininga. I can't believe magkasama kami ngayon. Sobrang inis na inis ako sa kan'ya, tapos siya heto at pa chill chill lang.

The nerve!

Even kuya Romel, hindi man lang ako nagawang tulungan.

Palihim ko siyang inirapan. Tinuon ko nalang ang mata sa labas ng bintana. Ganito naman palagi, laging s'ya ang nasusunod.

Paglipas ng ilang sandali, huminto ang sasakyan. Napuno ng kalituhan ang isip ko ng tumapat ang kotse niya sa parking lot ng condo niya. Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magtanong ng unahan niya ako.

"Kailangan nating mag-usap." he said seriously. Tumaas ang kilay ko.

"Sa dami ng pwedeng pag-usapan, sa condo mo pa talaga?" mapang-uyam kong tanong.

I crossed my arms over my chest along with my legs. Nakita kong bumaba ang tingin n'ya sa suot ko. He smirk.

Nasiyahan siguro sa suot ko na siya mismo ang bumili.

Madilim na ang paligid at tanging light galing sa poste ng kuryente at lobby ng building ang nagbibigay liwanag sa amin. The light illuminated his face.

Napakagat labi ako ng makita kung gaano ka seryoso ang itsura niya ngayon. His perfectly defined jaw and pointed nose, na parang inaakit akong haplusin at halikan.

Napailing ako, muntik ko nang makalimutang galit nga pala ako sa kaniya.

Bumaba ang tingin ko sa kamay n'yang mahigpit ang hawak sa manibela. Galit siya? Para saan?

Wala siyang karapatang magalit, dahil kung tutusin siya mismo ang dapat may ipaliwanag.

Pagkaraan ng ilang sandali, tumaas ang sulok ng labi niya. "Hindi tayo makakapag-usap sa bahay, because I'm sure you will escape or lock yourself inside in your room." mababang boses na aniya, tinaasan niya ako ng kilay na parang nanghahamon. Umismid ako.

He started unbuckling his seatbelt. And I did the same.

I sighed, tama naman siya. Pero kung tutuusin wala naman kaming dapat pag-usapan. Naiinis lang ako kasi may girlfriend na pala siya, nagawa pa akong halikan. At may mga pa sweet words pa siyang nalalaman. Typical playboy!

Sinundan ko siya ng tingin ng bumaba siya at umikot sa passenger seat para pagbuksan ako. Nagdadalawang isip pa ako kung bababa o magmamatigas ang ulo. But then, naalala ko ang nagawa niyang pagkarga sa akin kanina. Sa takot na baka gawin 'din niya ito, agad akong sumunod. Sa kabila ng inis na nararamdaman ko.

Mahigpit ang hawak ko sa shoulder bag ng tahakin namin ang malawak na pasilyo ng building.

Nauna siyang maglakad habang nasa likuran niya ako. I can clearly see his back and broad shoulder. Nakasuot siya ng white long sleeves at slacks. Naka rolyo ito hanggang siko. Both of his hands were inside his pocket.

Ngumiti ako sa receptionist ng madaanan namin. She greeted us na hindi man lang nagawang pansinin ni kuya Drake. Inikutan ko siya ng mata, na parang nakikita niya.

Dirty Secret (COMPLETED)Where stories live. Discover now