CHAPTER 23

5.5K 72 13
                                    

Gift

I smiled at the receptionist when we finally entered the exquisite lobby of The EHR. May malaking chandelier sa gitna at may iba't-ibang obra ng mga sikat na pintor sa dingding. Ang sahig naman ay pwedeng puwede nang gawing salamin sa kintab at linis.

Certainly our hotel.

We headed immediately to the lift. May tatlong elevator and we choose the first one. Bumaba ang kamay ni Drake sa baywang ko ng sandaling bumukas ito. His manly scent invaded my nostrils. Hindi ko maiwasang mapasinghot ng bahagya dahil sa nakakaadik niyang amoy. Our bodies were touching as we stand in the middle of spacious elevator. Walang ibang lulan kaya halos hindi na magkahiwalay ang mga katawan namin.

I press the seventh floor as it is where the party will be held. Napangiti ako sa nakikitang repleksyon namin sa dingding. Bahagya kong hinilig ang ulo sa dibdib niya at hindi naman siya nagreklamo. He looks so hot on his attire tonight plus he's not showing any emotion at the moment.

Diretsong nakatutok ang kaniyang magagandang mata sa pintuan nito. He's looking at our reflection too. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isipan niya, at hindi ko pa din kayang basahin ang laman ng isip niya.

When the elevator dinged I regain my composure. Lumayo ako sa kaniya ng bahagya na nagpakunot sa kaniyang noo. Napaiwas ako ng tingin saka tumikhim.

"B-Baka may makakita." I stammer.

Tumagilid ang ulo niya at walang pasabing hinapit ako sa baywang. I gasped and lightly push his chest.

"I don't give a fuck Angel. Hayaan mo silang mainggit." I rolled my eyes and choose to keep my mouth shut.

I then, encircle my arms on his as we made our way. Bumungad sa amin ang hall na puno ng decorative lights mostly from the shade of purple. Favorite color siguro ni Gwen ang purple.

Marami nang tao at karamihan sa kanila ay umuukupa na sa lamesa. May malaking hagdan na sa tingin ko lalabasan ng debutant sa taas. May ginawa din silang mini stage.

My eyes narrowed at the two guy approaching us. Papalapit na kami ng harangan kami ng kamay nila. They're on their black suit, looking so intimidating. Hindi pa man sila nagsasalita agad kong kinuha ang invitation card at binigay sa kanila. They scan the card thoroughly, pagkatapos giniya kami ng isa sa kanila papunta sa dagat ng mga tao.

Drake was not saying anything during the entire time. Iniwan agad kami ng dalawang maskuladong lalaki nang makitang maayos na ang lagay namin.

Marami ang dumalo so I assume hindi basta basta ang birthday girl. Nilibot ko ang tingin sa kabuuan, hoping to see Benj to accompany us. Para kaming tanga nakatayo lang sa gilid.

"Where's your friend?" napakislot ako ng bigla siyang bumulong.

Nilayo ko ang sariling mukha bago mag-angat ng tingin. Sumalubong sa akin ang malalim niyang mata na mas lalong pinaganda ng kulay sa paligid.

I hold on to his shoulder tighter as my knees begun to tremble. Nanunuot sa sistema ko ang seryoso niyang tingin na kung hindi dahil sa hawak ko sa braso niya baka bagsak na ako ngayon.

I swallowed hard before averting my eyes away from him.

"Nandito lang yun, teka tatawagan ko."

Huminga ako ng malalim saka binaklas ang kamay sa braso niya. I get my phone from my clutch for a call. I was about to dial Benj's number when I spot him already walking towards us.

Napangiti ako bago muling ibalik ang cellphone sa bag. He looks so formal, ibang-ibang sa masayahin na Benj na lagi kong nakakasama.

"He's coming over"

Dirty Secret (COMPLETED)Where stories live. Discover now