CHAPTER 49

4.7K 69 17
                                    

Road trip

“I’ll leave you two here. Maghanda lang ako ng hapunan natin.”
Mommy said and my eyes widen a surprise. It was too late to contradict her words since she immediately left, leaving me with, Drake.

I was deliberating whether to strike a conversation or not but it would be awkward if I’ll just stand before him.

Tumikhim ako “Why are you here?” tanong ko.

Mula sa pagkakaupo, Drake stood up. I noticed his clean cut hair now. He’s wearing a black long sleeve shirt and grey chinos paired with Nike shoes. Naningkit ang mata ko ng makita ang polseras na nakapalibot sa kaniyang palapulsuhan.

It’s kinda familiar..

Nawala agad doon ang atensyon ko ng ng mapansin ang putok sa gilid ng kaniyang labi. Nakipag-suntukan siya?

“I’m here to talk with your parents. I didn’t know you’d be here, Angel..” Drake answered with his calm voice.

He put his hands inside the pocket of his pants. Dahil sa pagtitig sa kaniyang putok na labi, nakita ko ang pagbasa niya sa ibabang labi niya.

I fake a cough before averting my eyes away from his face. “I assume you’re done talking to them. Makakaalis ka na, Drake.”

Kahit gusto kong itanong kung saan niya nakuha ang kaniyang pasa, pinigilan ko na lamang ang sarili.

It’s none of my business.

“I’m still waiting for your father, Angel. Isa pa, kadarating ko lang din.” agad na sagot niya.

Pinigilan ko ang mapairap. Nandito siya dahil sa mga magulang ko, bakit parang disappointed ako?

Nagkibit balikat ako saka muling hinawakan ang maleta. “Okay, suit yourself.” sagot ko saka tumalikod.

Ngunit bago ko pa man maihakbang ang mga paa ko, muli akong natigilan dahil sa pagtawag niya. Kunot noo ko siyang nilingon at hindi ko inaasahan ang sumalubong sa akin.

“I passed by a flower shop, bumili ako para kay tita but then I remember you adoring sunflower’s kaya bumili na rin ako. Plano ko sanang kay tita Beatrice nalang ibigay but it seems that God has a better plan.” he defensively answered kahit wala pa akong tinatanong.

Muntik na akong mawalan ng balanse sa mga naririnig. Seriously, ano na namang pakulo ito, Drake?

I thought I already made it clear na hindi ko siya babalikan katulad ng gusto niya. Bakit may pa flowers pa?

“Then give it to mommy, bakit sa akin mo inilalahad?” taas kilay kong sagot.

He wet his lower lip making it more reddish than usual. “Naibigay ko na sa mommy mo ang para sa kaniya, para sayo ‘to.”

Humigpit ang hawak ko sa maleta habang pinagmamasdan ang tungkos ng sunflower na nasa harapan. Nagpabalik balik ang tingin ko sa bulaklak at sa mukha niya.

“Come on, accept this. Nangangalay na ako, Angel.” he said again seriously.

I pressed my lips together. My eyes narrowing at him then to the thing he’s holding.

It’s just a flower, Angel. Wala naman sigurong masama, besides hindi lang din naman ako ang binigyan niya. Mayroon din si mommy.

Malakas akong napa-buntonghininga bago pikit matang inabot ang bulaklak na nakalahad. Drake grinned when he saw his flower in my hand, and I was stunned seeing him did that..

“Ah, t-thanks,” I replied reluctantly.

He chuckled inwardly, “Yeah, you’re welcome.”

Dirty Secret (COMPLETED)Where stories live. Discover now