CHAPTER 26

5.1K 65 15
                                    

Rest

I shifted on my seat uncomfortably. Palipat lipat ang tingin ko sa labas ng bintana at kay Drake na pasipol sipol na nagmamaneho. He doesn’t look tired now. Nakataas pa ang sulok ng kaniyang labi.

"Where are you taking me?" tanong ko nang lumipas ang ilang minutong katahimikan.

Napakagat labi ako ng masilayan ang mahahaba niyang daliri sa manibela ng sasakyan. Hapit na hapit din ang kaniyang suot na long sleeves sa kaniyang matikas na braso. Halatang babad sa gym.

Drake, looked at me through the front mirror.

“That’s why it is called a surprise.  Kung sabihin ko man sa’yo, hindi na yon matatawag na surpresa." he said and chuckled afterwards.

Napasimangot ako, may pa surprise pa siyang nalalaman. But the thought of being with him on the next hours, sent shiver down my spine.

"Whatever, suit yourself." I said masking my excitement.

Nag-iwas ako ng tingin sa makasalanan niyang katawan. Sa halip ay sa labas ng bintana na lang ako tumingin.

Hindi ko maitatanggi na may bahagi sa puso ko ang nasasabik sa kung saan man niya ako dadalhin. Mag-iinarte pa ba ako? Eh kung tutuusin gusto kong hilain ang oras at nang mabilis kaming makarating sa patutunguhan namin.

With Drake, every moment is priceless.

Lumipas ang ilang sandali ay patuloy parin siya sa pagmamaneho. Naiinip na ako. Malayo ba ang pupuntahan namin? Umiinit na din ang pwet ko kakaupo.

"Malayo pa ba?" naiinip kong tanong.

I glanced at my wristwatch and saw that it’s past five thirty already.

“Relax, baby. Hindi halatang excited ka.” he answered and grinned.

Nagrolyo ang mata ko. I crossed my arms over my chest.

“Akala ko ba busy ka?” hindi ko maiwasang magtanong.

Bumalik sa isipan ko ang hindi niya nagawang pagsundo sa akin kaninang umaga. Alam ko ‘ring madami siyang pinagkakaabalahan sa pag-aaral. Kaya naman malaking pinagtataka ko na nagawa niya pa itong surpresa.

Saglit siyang lumingon sa akin bago muling ibaik ang tingin sa daan.

“Uhuh,” he hummed and tilted his head to the other side.

Naningkit ang mata ko sa ginawa niya. May mapaglarong ngisi sa kaniyang labi, na hindi nakaligtas sa paningin ko.

We are silent the whole duration of ride. Hindi na ako muling nagtangkang magtanong. Instead I busied myself watching those green tress and houses we’re passing by.

It felts great  knowing that people here in Tacloban are taking good care of our environment. Na sa halip na magputol ng puno, mas pinapayabong pa nila ito. Which is a great advantage for us. Malaking tulong din ang nagagawa ng mga puno sa pagpapanatili ng payapang pamumuhay. Nasusugpo nito ang baha at nagbibigay ng preskong hangin na kailangan natin sa katawan.

I was back on my reverie when I heard Drake’s voice.

“Nandito na tayo.”

I blinked my eyes several times and gaze outside. Madilim na at natitiyak kong alas-sais na ng gabi. Doon ko nakita ang  bahay sa gilid ng kaniyang sasakyan. Moderno ang desinyo at may malaking garden sa harap. Mukha siyang bahay bakasyunan.

Bumukas ang pintuan sa driver seat, tanda na lumabas si Drake. He jogged to the other side and open the passenger seat for me. Walang pag-aalinlangan naman akong bumaba. Drake, put his hand on the top of my head, shielding me from possible harm.

Dirty Secret (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt