CHAPTER 27

4.7K 61 30
                                    

Fight

"Mabuti at nakabisita ka ngayon, hijo. Plano namin ng mommy mo ang bisitahin ka sa bago mong tirahan." biglang sabi ni mommy.

Kasalukuyan kaming nasa hapag at nag-aalmusal. Nasa kanan ko si Drake at sa kaliwa nama si tita Abigal.

"No need tita. I'll be staying here, until your vacation ends." Drake replied.

Natigil ang akma kong pagsubo sa bacon ng marinig ang sinagot niya. I swallowed hard and lifted my gaze, only to meet his deep stares.

What are you thinking, Drake?

Pasimple kong sinipa ang binti niya sa ilalim ng lamesa. Napangiwi siya, at sinamaan akong tingin.

Mamaya ka sa akin, Drake!

Kanina pa siya namumuro. He's so energetic na kahit pagtulog ko binubulabog

"Oh that's great then!" tugon ni mommy.

Agad akong nag-iwas sa kaniya ng tingin. Takot na baka makahalata sila.

"Kung hindi pa dadating ang tita mo, hindi ka pa uuwi dito." tita Clarries butted in, may himig ng pagtatampo.

I pouted my lips, and resumed on eating the food on my plate. Kinuha ko ang baso ng tubig sa gilid saka inubos ang laman.

Drake is going to stay here. Means, we're going to see each other more often.

Pero imbes na maging masaya, sa isipang lagi ko na siyang makakasama. I still couldn't..

"Thank you po." mahina kong bulong kay tita Abigail ng salinan niya ng tubig ang baso ko.

Ngumiti siya sa akin pabalik, bago ko maramdaman ang marahan niyang paghaplos sa buhok ko.

"That's not it, mommy. Marami lang po talaga akong pinagkaabalahan." rinig kong sagot ni Drake.

Sa sulok ng aking mata, nakita ko ang pag-abot niya sa lalagyan na nasa gitna. Ganun nalang ang pagkagulat ko ng lagyan niya ng lettuce at hotdog ang plato ko. Hindi ko pa nga nauubos ang pagkain ko, heto siya't dinagdagan muli.

"Eat more, you'll be needing a lot of energy later." he whispered in the air, just enough for me to hear.

Nababahala akong nag-angat ng tingin. Tita and mommy is looking at us, flashing their warm smile.

Na parang normal lang na gawain ito ni Drake. While Dwayne on the other hand, is looking at us weirdly.

I bite the inside of cheeks. Mas mahihirapan siguro ako sa mga susunod na araw ngayong nandito na muli siya.

Sa sasakyan ako ni Drake sumakay patungo sa eskwelahan. Hindi rin nagtagal ay dumating na kami sa SMU.

I quickly unbuckled my seatbelt. Nauna akong bumaba, pero dahil likas sa kaniya ang mahahabang binti, agad niya akong naabutan.

"Magandang umaga, bossing, ma'am!" pagbati ng guard.

Ngumiti ako sa saka siya binati pabalik. Samantalang, nanatiling poker face ang lalaking katabi ko. Nagkamot sa batok ang security guard ng mapansing walang balak sumagot ang kasama ko.

I looked at my wristwatch and notice that it is already seven in the morning.

"Huwag mo na akong ihatid. You can go to your room now." kibit balikat kong tinuran.

Napasimangot ako ng hindi siya sumagot. Sa halip ay hinuli niya ang pulso ko at hinatak patungo sa building namin. Sa takot na baka may makakita, agad kong binaklas ang hawak niya sa kamay ko.

Dirty Secret (COMPLETED)Where stories live. Discover now