CHAPTER 22

6.2K 69 9
                                    

Debut

Nanatili ako sa may pintuan nakatingin sa susunod niyang gagawin. He put his books on my study table and grab the one seater sofa near it. I arch my brow when he lift it like a piece of thing. Na kung tutuusin, sigurado akong mabigat iyon.

I sighed and walked until I was seated in front of my staff again. Nang masigurong maayos na ang dala niyang libro, agad siyang umupo sa kinuhang sofa. Mabuti na lang at sakto ang laki niya sa ilalim ng lamesa. Malaki din ang study table sa kwarto ko at hindi pa naman masiyadong marami ang libro at gamit ko kaya kasya pa kaming dalawa.

He smirked when he saw me eyeing his action. Prente siyang nakaupo sa sofa na nilagy niya mismo sa tabi ko.
"Continue what you were doing. Wala sa mukha ko ang sagot." he playfully said. Pero kahit siya nakatitig lang din sa mukha ko.

I snorted, as if may maisasagot ako kung titig lang ako sa mukha mo. Baka mamaya ibang sagot na ang maisulat ko. "Paano ka nakapasok?" I curiously asked diverting the topic.

"Of course through the door, how else do you except me to barged in here?" he answered full of sarcasm.

Kinuha niya ang highlighter pen at marahang tinapik tapik sa lamesa.

Napanguso ako. "Hindi pa ba naka lock ang pinto? Dapat mas maaga ka na lang pumunta dito, at nang nakasabay ka sa amin maghapanun." matutuwa pa no'n si tita.

I glanced at my papers and hold my pen. I should just finish this, para makatulog na ako. Napatingin ako sa wall clock sa ibabaw. Mag-aalas onse na ng gabi. Hindi nakakapagtakang halos lamunin na ako ng antok habang nagsasagot. I just fight the urge to sleep as I still have things to do.

Bahagya siyang tumawa. "It's fine, may inasikaso lang ako kaya ngayon lang ako nakarating."

He begun scanning the pages of his book. Grabe halos malula ako sa kapal nun. Parang kasing kapal ng mukha ni Benj noong first day of class.

"And what is that?" I shrugged my shoulder, as if I am not that interested though my minds was already having its own assumptions. Unhealthily thoughts.

Maybe may meeting na naman sila nang mga ka block mates. Or perhaps, nila Isabel? I instantly disregard the idea. I trust him, and I know he wouldn't dare to broke the chance.

Umakto akong may sinusulat habang naghihintay sa magiging sagot niya.
"Some group works, nothing important." he said in a dismissive tone.

I pressed my lips together. May itatanong pa sana ako, pero pinili ko nalang sarilinin iyon. Baka hindi lang talaga ganun kahalaga katulad ng sinasabi niya. Hindi na ako nagsalita at pinagpatuloy ang pagsasagot sa takdang aralin. Hindi naman siya gaanong mahirap sadyang puro essay.

And how I hate essays, okay sana kung multiple choice lang but surprisingly I don't have a choice and all I can do is to complain. Estudyante lang ako, I have a responsibility as a student. And giving up is not an option right now.
I was on my last number when I felt uneasy. Ramdam ko ang mainit at bigat na titig niya na halos tumagos sa kaluluwa ko.

I sighed and looked at him boringly. Agad siyang napaiwas ng tingin. Nagtaas baba ang Adams apple niya habang hindi mapirmi ang daliri sa kalilipat ng pahina sa kaniyang libro.
Napailing ako at hindi nalang siya pinansin.

"Staring is rude Drake." Hindi ko maiwasang magkomento. Kahit hindi ako makatingin, alam kong nakatitig na naman siya sa mukha ko.

Inayos ko ng maigi ang gamit, natapos din sa wakas. Lumingon ako sa kaniyang nakataas ang kilay. He ruffled his hand on his hair making it looked disheveled

Dirty Secret (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें