CHAPTER 44

4K 56 30
                                    

Palawan

Pagkatapos ng tawag naligo muna ako saka muling bumaba para uminom ng gamot. Wala sila nang lumabas ako, maybe in their respective rooms. I headed towards the kitchen and looked for their medicine kit.

Thankfully, the pain in my head subsided upon drinking the medicine.  After that, I went back to my room again and lay on the bed. Base sa orasan sa cellphone ko it’s quarter to ten already. Hindi ko pa rin maramdaman ang gutom kahit magtatanghalian na.

Pinikit ko na lamang ang aking mata, umaasang makakatulog ako but the scene from earlier cease me.

Malakas akong napa-buntonghininga. Pumayag naman si mama na mauuna akong umuwi sa Dallas, bukas. She choose to understand me kahit hindi ko sinabi ang dahilan. Pinaalam ko rin kay mommy ang naging desisyon ko and she agreed. Kasalukuyan silang nasa Bicol ngayon.

I decided to book my flight this evening plus,  I still need to tell my friends. Hindi ko naman na kailangan bumalik ng Laguna at sila Mama nalang daw ang magdadala ng mga gamit ko.

Nang sumapit ang hapon, doon lang ako nakaramdam ng gutom. Inayos ko muna ang sarili bago lumabas ng kwarto. I saw Micah eating pizza on the dining, siya lang mag-isa.

“Nasaan si, Zaph?” umupo ako sa harapan niya saka kumuha ng isang slice, dalawang kahon naman ang nasa lamesa eh.

Micah chewed the food first before answering my question.

“Sinundo ni, Ansel. I don’t know where they are right now.” sagot niya saka muling kumagat sa pagkain. I nodded.

“Hmm, sino nga pala ang kasama mo kagabi?” tanong ko, natigil ang akma niyang pagkagat ng pizza sa biglaan kong tanong.

“Sa bahay nga lang ako, babe.”  she said before avoiding my gaze.

“Bakit ‘di mo kami pinagsabihan? I was so worried last night you know.”  I narrowed my eyes at my friend whose face looks flushed.

“A-Ah ano kasi.. biglaan, alam mo naman yung kaibigan natin hindi ako papayagan nun kung magpaalam pa man ako.”

“But still you could’ve informed us.” I shrugged my shoulders. Napalunok siya at bigla nalang tumayo bitbit ang dalawang kahon ng pizza.

“Hoy gaga! Saan mo yan dadalhin? Kumakain pako dito, Micah!” I said in annoyance, my brows knitted together.

“Sa kwarto lang ako, Angel. Mag-order ka nalang nang sa'yo, kulang pa nga ‘to sa akin eh.” natatawa niyang sagot.

“Isa nalang, Mics. Damot mo naman, ang dami niyan hindi yan magkakasya sa tiyan mo.” hirit ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. “Hindi pwede, kulang na kulang pa nga ‘to babe. Bawal akong magpagutom kaya um-order ka nalang diyan!”

Aba talaga! Dalawang kahon ng pizza kulang pa sa kaniya?

Nahahapong nagpangalumbaba ako sa lamesa. Nagugutom na talaga ako, ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko, because frankly I haven’t ate anything since this morning.

Kaya wala akong ibang nagawa kung ‘di ang um-order ng pagkain. And when the food  arrived, I instantly devoured it. Hindi ko na inimbitahan si Micah since kumakain narin naman yun, isa pa hindi ko mauubos  lahat ng ito so may makakain pa siya kung gustuhin man niya.

Bumalik akong muli sa kwarto pagkatapos. While sitting on my bed an idea pop into my head. I shut my eyes tightly, I’m just curious to this Prosecutor, wala namang masama kung susubukan ko ng isang beses right?

I sighed, I played with my phone first, looking at the screen from time to time, meditating whether to do my stupid idea or not. Pero sa huli, nanaig parin ang kuryusidad sa akin.

Dirty Secret (COMPLETED)Where stories live. Discover now