CHAPTER 16

6.1K 81 32
                                    

Talk

Pagkatapos ng klase sbay kaming naglakad ni Benjie papuntang parking lot. May sarili siyang kotse at sinabi pang pwede akong sumabay, na agad kong tinanggihan. Nakakatuwa nga at hindi siya nauubusan ng kwento na nagpagaan ng loob ko kahit paano.

"Sure ka na'ng hindi sasabay sa akin?" tanong niya ulit habang nakataas ang kilay. Hindi ko maiwasang mapangiti, ang bait niya talaga. Sakabila nito, nagawa pa ng dati niyang mga kaibigan na pagtripan siya.

Nakahawak na siya sa pinto ng kaniyang sasakyan, hinihintay ang sagot ko. Napalingon ako sa paligid, hindi kalayuan sa pwesto namin, nakita ko ang kotse ni kuya Drake.

"May susundo sa akin, mauna ka na."

Hindi pa niya alam na tumitira ako sa bahay nila kuya Drake at sabay kaming pumapasok. He only knew the part that he is my cousin.

Napabuntonghininga siya, "Tawagan mo ako kapag lumipas ang tatlumpong minuto na hindi dumating ang driver mo." habilin niya, tumango ako.

Lumingon-lingon pa siya sa paligid na parang sinusuri kung may magtatangka ba sa buhay ko.

"Ano ka ba! Walang kakain sa akin dito." I laughed, sinamaan niya ako ng tingin.

I'm really glad I have him. Kahit kaming dalawa lang ang halos magkasama, maayos na ako doon. Kumpara naman sa madami nga, hindi naman totoo ang pinapakita sa'yo.

Malawak ko siyang nginitian. Bagsak ang balikat niya bago tuluyang pumasok sa sasakyan. Bumuntonghininga muli ako ng maiwang mag-isa sa malawak na parking lot. Kuya Drake texted me earlier that he will be late. Hindi na lang ako nag-reply. Masama pa rin ang loob ko sa nasaksihan sa canteen. Kahit wala naman akong karapatan..

Nagbaba ako ng tingin sa sariling mga paa. Mabigat ang dibdib ko simula kanina. I didn't even know that the class ended. Lutang na lutang ako buong klase, at laking pasasalamat ko kay Benjie. Hindi niya alam kung bakit biglang nagbago ang mood ko, pero hindi naman siya nag-usisa pa. Instead, he will tell me some funny jokes, nonstop.

I shifted my weight uncomfortably. I checked the time, and it was already five thirty five. Bakit ang tagal niya?
Or maybe, may pinagkakaabalahan lang siya. With his girlfriend of course!

Sa kwento palang ni Benjie, matagal na silang may relasyon. And I hate him, he is cheater and a liar. He kissed me while dating another girl. Where is the justice in that? Kaya ganitong masama at mabigat ang dibdib ko. Akala ko pa naman iba siya sa karamihan. Turns out, mas malala pa pala siya.

Napatingin ako sa paligid, may nakita akong pwedeng maupuan na bato. Walang pagdadalawang isip ko itong linapitan. Umupo ako at tinignan ang mga taong unti-unti nang nauubos sa harapan ko.

Padilim na padilim ang paligid, until there are only three cars left in the garage. I sighed heavily. Napayuko ako. He should've texted me that he will be this late. 'Di sana nag taxi nalang ako or nagpasundo kay tito! Not this na pinaghintay niya ako ng halos dalawang oras! Hindi ko sinunod ang sinabi ni Benjie na i-text siya, nakakahiya. Kung sana sumukay nalang ako sa kotse niya..

Hindi kalayuan, nakita ko ang grupo nila kuya Drake na nagtatawanan. Just like what I saw earlier, they are five. Si kuya Drake kasama ang girlfriend niya na nangunguna. May pinag-uusapan sila at ang tatlo nilang kasama'y nagtatawanan. Ramdam ko ang kirot sa dibdib. They really looked good together.

Dahil nasa gilid na parte ako ng parking lot, at madilim na rin ang paligid hindi nila ako napansin.

"'Tol, sabay mo nalang si Isabel, madadaanan mo naman ang sa kanila." sabi ng isang lalaki. Hindi siya ganoon katangkad compared to the other two.

Dirty Secret (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon