CHAPTER 11

6.8K 115 14
                                    

Kiss

Mahigpit kong hinawakan ang kaniyang kamay na nakalahad. Medyo nag-aalala pa ako na baka mahirapan siya dahil sa dala niya, pero hindi siya nagpatinag hangga't hindi ko hawak ang kamay niya. Pagkataposz nagsimula kaming maglakad papasok. Kung mahirap ang daan kanina, mas mahirap pa rito. May naglalakihang bato ang nakapalibot sa amin. Medyo masakit rin sa paa dahil sa tulis ng daan.

Humigpit ang hawak ko sa kamay niya nang tuluyan naming mapasok ang kweba. Sobrang dilim!

"Kuya akala ko ba may ilaw?" Kinakabahang tanong ko.

Nasa harapan ko siya. Wala akong ibang makita kung 'di kadiliman. Muntik pa akong mapasigaw ng matalisod ako.

"Be careful, hold my hand tightly." His husky voice echoed.

Ngayon ko pinagsisihang hindi  magdala ng flashlight. Naluluha ko siyang kinapa, mabuti nalang at nasa harap ko lang siya.

"Kuya naman eh! Saan na ang ilaw na sinasabi mo?" Pagrereklamo ko.

Kahit hindi ko kita ang mukha niya, alam kong nakangisi na siya sa akin ngayon.

"Yes, meron don't panic okay? Malapit na tayo." He assured me. Nakanguso akong sumunod sa kaniya.

Halos hindi ko mahakbang ang dalawang paa ko. Anong alam ko? baka mamaya may biglang tumuklaw sa akin dito!

"Is it safe here?" hindi ko mapigilang  magtanong.

Biglang pumasok sa isip ko ang mga napapanood ko sa mga movies. At hindi iyon lahat maganda.

"Of course! Hindi naman kita dadalhin sa isang lugar na hindi ligtas." Kahit hindi niya ako nakikita, napangiti ako.
I shrugged. Well, that's my kuya.

Napakagat labi ako ng maalala ang nangyari kanina sa kotse. Mabuti nalang at hindi kami nailing sa isa't-isa. Or maybe nag-aasume na naman ako that he's going to kiss me.

What if may dumi lang talaga sa mukha ko?

Hindi nagtagal, biglang umilaw ang bandang kinaroroonan namin. Nagulat pa ako dahil bigla nalang itong nabuksan. Napahinga ako ng malalim. At least ngayon, may kunting ilaw na. Nakikita ko ang likod ni kuya Drake. Mahigpit pa rin ang hawak ko sa kamay niya.

"Kung may sakit sa puso ang bibisita rito. I'm sure that'll be a problem." I commented.

"That's a sensor light. It will only light's up once it can feel the presence of human body." Aniya, tumango-tango ako.

Kaya pala nang makalampas na kami doon, biglang nawala pero iba naman ang umilaw. May mga bato pa rin kaming nadaaanan, pero hindi na katulad nang nasa unahan na halos matalisod ako sa laki at tulis. Napatingin ako sa taas, ang liwanang sa bandang iyon. Pansin kong may pinakatulay na dadaanan namin. At may tubig!

"Come here. Just be careful." Naunang sumampa si kuya sa tulay. Pero hindi pa rin siya gumagalaw at hinihintay ako.

"It won't break right? Tignan mo kuya, mukha na siyang bibigay pag sumakay pa ako." I pouted.

Marahan siya tumawa. "Hindi ko hahayaang masaktan ka. Trust me." paniniguurado niya. "Sasaluhin naman kita. Pag nahulog ka, magpapahulog din ako. And we'll swim together." He said before smirking.

Napailing ako bago dahan-dahang humawak sa lubid na nasa gilid ng tulay. Ang corny niya masiyado. Of course, hindi ko hahayaang mahulog ako. Who knows kung ano ang naghihintay sa akin sa ilalim ng tubig.

"Humawak ka sa kamay ko," He offered his hand for the second time but I shook my head.

"Ayos na ako dito, kaya ko," Ngumiti ako sa kaniya kahit sobra akong kinakabahan. Kunot na naman ang kaniyang noo. Parang kanina lang hindi siya sweet!

Dirty Secret (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon