Chapter 17

980 25 2
                                    

"Sorry for all the pain Joe. I can't promise you anything but I want you to know that you are special to me. Always remember that, my love."

Pagkasabi ko nun ay iniwan ko na siya. I hope someday kaya ko ng pagbigyan ang sarili ko na mahalin ng buo yung mga taong minamahal din ako.

Bumalik ako sa loob ng bulwagan. Hindi ako aalis dito ng wala kaming nakukuha o nalalaman na kahit ano. Nag-umpisa na kami kumilos kanina. Hindi ko hahayaang masayang lang ang naumpisahan namin.

"Saan ka galing?" Bungad ni Allesh ng makalapit ako sa kanya.

"Hinila ako ni Joe. Iuuwi niya na daw ako." Tinitigan niya ako ng matiim.

"Mahalaga talaga siya sayo nuh? Sobrang self control ginagamit mo para sa kanya." Ngumiti ako ng mapait.

Mahalaga sila sa akin. Si Joe man o si Leigh. Lahat ng mga taong tinuturing kong kaibigan. Kung kailangan kong ibuwis ang buhay ko para sa kanila ay gagawin ko wag lang silang mapahamak.

Nabaling ang tingin namin sa stage. Naroroon na ang ilang businessmen na pangunahing panauhin ng event na 'to.

Tinitigan ko ang taong dahilan ng mga kaganapan sa nakalipas na linggo. Natawa ako ng pagak. How ironic na ang lalaking nakatayo sa harap ng madaming tao ay malinis tignan, maotoridad, kahanga-hanga kung ang pagbabasehan lamang ay ang kredibilidad ngunit hindi kami magpapaloko dahil sa likod ng mga magagandang katangian na yun ay isang mapanganib na tao.

Napakuyom ako ng kamao. Hindi ko dapat alisin sa utak ko ang dahilan kung bakit kami nandito. Mission before exploration. Tama na ang landi, trabaho muna.

Nalipat ang tingin ko sa katabi niya, ang kapatid niyang si Vaughn. May alam ba siya sa mga ginagawa ng kuya niya?

Nakatingin din siya sa akin. Nang makita niyang nakatitig ako ay kumindat siya pero wala akong makapang kilig o anuman. Blangko lang ang mukha kong nakatingin sa kanya kaya nawala ang ngiti niya sa labi.

Binulungan niya ang kuya niya bago bumaba ng stage at naglakad palapit sa amin.

Habang papalapit siya ay siniko ako ni Allesh pero wala sa kahit na ano sa kanila ang utak ko. Nasa mission!

Gusto ko ng matapos to. Kung kinakailangan kong makipaglaro ng apoy ay gagawin ko, malaman ko lamang ang katotohanan sa likod ng lahat ng ito.

"Hey, pwede ba kitang isama sa taas ng stage?" Alanganin siyang nakangiti.

"Bakit?" Blangko kong tanong.

Napakamot siya sa batok niya. Tila nararamdaman ang pader na nakapagitan sa amin.

Sa gilid ng nga mata ko ay nakita kong papasok na si Joe. Nakatingin sa amin, bumalik tuloy ang inis at sakit na nararamdaman ko.

"Ahm.. Halos lahat ng aakyat dun ay may kapareha. Ayoko maging third wheel." Kibit balikat niyang sagot.

"Ayoko din maging option lang. Hindi dahil sa wala kang makakapareha ay ako agad ang gagamitin mo. Hindi ako bagay na pwedeng gamitin lang basta-basta." Pagkasabi ko noon ay tumalikod na agad ako.

Lumapit ako sa mini bar na nasa gilid at kumuha ng alak.

Tama na. Hindi ako nagtitiis para lang sa wala.

Naguguluhan ang tingin ni Vaughn na nakatuon sa akin pero wala akong pakialam. Punong-puno na ako para sa araw na ito.

Lumapit naman si Joe sa akin. Nag-aalangan din ang itsura niya.

"Kung hihingi ka ng pasensya ay wag mo na ituloy." Tinitigan ko siya sa mata. "Hindi lang ikaw ang nahihirapan sa sitwasyon na 'to."

"But still, Im sorry Kryst." Nagkibit balikat na lamang ako.

MOMOL now, LOVE later!Where stories live. Discover now