Chapter 25

32 2 0
                                    

Hindi din talaga ako nakaligtas. Ang pahinga na nais ko ay hindi din agad naibigay sa akin.

Ipinasok din ni Vaughn ang katawan niya sa loob ng comforter na narito. Iniyakap ang mga braso niya sa katawan ko at nag-iiwan ng mumunting halik sa buhok ko. Nakatalikod ako sa kaniya.

Shempre hindi ko din gugustuhin humarap kung gusto ko talagang makapag pahinga ng maayos at matino.

"Vaughn"

"Iba ang bigkas mo sa pangalan ko ngayon." May himig ng yabang akong naririnig sa boses niya at kung may maitataas pa ang kilay ko ay gagawin ko.

Mahina ko siyang siniko ngunit mahina lamang siyang tumawa at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin.

"The smell of my shampoo have a different effects on you." Inaamoy niya ang buhok ko.

"Talaga ba? Ano nagchange color ba buhok ko sa effect na sinasabi mo?" Pambabara ko sa kaniya.

Tumawa lang naman siya at nanahimik din. Tahimik na nakayakap lang sa akin. Hindi ko alam kung may pag-uusap pa bang mangyayari sa amin ngayon pero kung ang pagbabasehan ay ang katahimikan masasabi kong konting minuto na lamang at makakatulog na talaga ako.

"Pwede bang humarap ka sa akin?" Tanong niya maya-maya.

Humarap din naman ako. Mukha namang walang gagawing kamanyakan 'to sa akin kaya pinagbigyan ko nang makita niya ang kagandahan ko.

Nakatitig lamang siya sa akin pero kita sa mga mata niya ang suyo. Hinawakan niya ang kamay ko at inilapit ito sa labi niya upang halikan.

"You choose me, am I right?"

May pag-aasam na maririnig sa boses niya ngunit ang tanong niya ay tila hindi para itanong talaga ito kundi upang kompiramahin.

Tumango ako. Hindi naman na siguro para magpaligoy-ligoy pa. Hindi din naman ako naniniwala na kailangan pa ng matagal na ligawan o suyuan upang mapatunayan ang katapatan ng isang tao sa iyo.

"May ikekwento ako sayo."

Tumigil ako sandali at pinag-isipan ang mga sasabihin. Na kung paano ko ba napagdesisyunan na siya na lamang ang piliin.

"Alam mo bang crush ko si Joe dati." Kumunot ang noo niya sa tinuran ko. Gusto kong matawa pero hindi ko magawa dahil baka hindi niya ito seryosuhin.

"Pero siguro nasanay akong magkakaibigan kami kaya yung nararamdaman ko dati ay pinigilan ko. Nagawa ko naman. Nakalimutan ko ang pagkagusto na nararamdaman ko sa kanya." Umayos ako ng higa. Tumihaya ako at siya naman ay ganoon din. Ini'unan niya din sa akin ang braso niya.

Sumiksik ako sa kaniya at dinama ang init na hatid niya. Parang gusto ko na talaga matulog pero kailangan na itong maging maliwanag para sa amin.

"Kung naging komplikado ang mga pinakita ko sa inyo. Ganun din kasi talaga ang nararamdaman ko. May mga panahon na pinapakita lang ni Joe na gusto niya talaga ako kapag may isang tao na nagiging threat para sa kanya pero kapag wala ng umaaligid sakin nagiging kampante na siya at hindi nililinaw kung ano ba ang pinapakita niya. Ganun ka din minsan. Minsan iniisip ko na katawan ko lang ang gusto mo." Marahas siyang napalingon sa akin sa huli kong sinabi.

"What the fuck Kryst! Mukha ba kong manyak?" Inis na sabi nito pero tinawanan ko lang. Nginisian ko ito at maangas na tinitigan.

"Hindi ba?"

Kumunot ang mga noo nito kaya ginawa ko ang hindi niya inaasahan. Hinawakan ko ang alaga niya mula sa labas ng suot niyang short.

"Tell me now, base sa nahahawakan kong matigas ngayon, hindi ba kamanyakan to?" Nakangisi kong tanong.

MOMOL now, LOVE later!Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt