Chapter 2

4.2K 52 2
                                    

7PM na ng magising ako. Agad akong nag-asikaso dahil any minute now dadating na sila Joe para sunduin ako.

Nagsuot lang ako ng isang faded blue ripped jeans na tinernuhan ko ng itim na crop top at puting sneakers. Nagpulbos at lip tint lang din ako.

Later will be so much fucked up kaya hindi na kakailanganin ng pull pack na ayos. I want to move comfortably there.

Quarter to 8, sinundo ako ni Joe sa unit ko. Nakasuot lang siya ng isang puting v-neck shirt at black short and sneakers too. Hindi rin kasi 'to maporma masyado but simplicity suit him well.

Nakamotor lang pala kami ngayon. Nakakapit ako sa bakal sa likuran ng bigla niyang bilisan yung pagmamaneho.

"Hold onto me. You dont want to fall, do you?" Napakapit ako sa bewang niya at hinampas siya sa tagiliran niya.

"Kung gusto mong hawakan kita, sabihin mo na lang. You dont need to scare the hell out of me." He laughed as I rolled my eyes.

"Kumapit ka kasi sakin. Mabango naman ako kaya wag kang mag-alala." Nakangisi niya pang sabi base sa tono ng boses niya.

"By the way, who's Vaughn?" I asked with my curious tone.

"Yun nga yung may-ari ng venue." Walang gana niya namang sagot. Parang gusto ko tuloy siya batukan bigla. Kanina pa nila sinasabi yan kaya alam ko na yun shempre.

"Aside from that dumbhead! Tropa nyo ba?" Sabi ko pa at pinitik ang tenga niya. Okay lang naman yun dahil hindi ako masakit mamitik, ni hindi nga gumalaw man lang kaya di ako nag-aalala kahit na nagdadriva siya.

"Actually nakilala lang namin siya from JM. Kapitbahay niya kasi yun." Tumango-tango ako kahit di niya nakikita. Si JM ay isa din sa mga kaibigan nila.

Actually, marami silang magkakaibigan. Mga anim ata, magkababata silang lahat. Ako kasi nakilala ko lang sila Joe at Lei sa school.

Lagi ko sila nakakasabay sa isang kainan sa labas ng school hanggang sa naging magtropa na kami.

Yinayaya nila ko sa mga gala at inuman nila at sumasama naman ako. Ilan lang din kasi ang kaibigan ko sa school, panay mga killjoy pa.

Hanggang pati yung mga tropa nila naging tropa ko na din. Isa na nga dun si JM or Jeco Manuelle. Masaya naman sila kasama, no dull moments kumbaga.

Ang pinakaclose ko nga lang talaga ay si Joe at Lei. They're like my brothers to me though nagconfess dati si Joe na gusto niya daw ako.

Nilinaw ko naman na wala kaming patutunguhan pagdating sa bagay na hinihingi niya cause Im not ready and I know I cant handle. Ayokong masaktan siya that's why we settled as bestfriend. Much better naman!

Nang makarating kami sa venue ay ipinarada ni Joe yung motor niya sa tabi at inalalayan pa kong bumaba. Gentleman talaga nitong bestfriend ko pagdating sakin.

Di ko pa man natatanggal ang helmet ko ay nilapitan na agad kami ni Lei at yinakap ako agad.

"Chansing ka tol. Wag ganyan!" Humalakhak siya sa sinabi ko at umalis sa pagkakayakap.

"Obvious ba masyado?" Nakangiti niyang tanong habang tinataas baba ang kilay niya.

"Hindi naman masyado. Slight lang!" At sinabayan ko pa ng tawa.

"Tsk! Tabi nga, di mo muna hinayaang makapagtanggal muna ng helmet." Masungit na sabi ni Joe kay Lei at nilapitan ako.

Nakakunot pa ang noo ni Joe habang tinatanggal niya ang helmet ko. Nakangiti lang tuloy ako sa kanya habang nakatingala. Ang tangkad kasi eh!

MOMOL now, LOVE later!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon