Chapter 6

2.1K 31 0
                                    

Inis na bumalikwas ng bangon si Kryst. Ilang gabi na niyang napapanaginipan ang nangyari ng nagdaang araw.

Ang araw kung kailan hinalikan siya ni Vaughnn at sa hindi niya malaman na dahilan ay ginantihan din niya.

Napasabunot siya sa sariling buhok at sumigaw ng mahina. Frustrated, Confused and Tired.

She stood up and went to the bathroom. Remove all her clothes and dip down onto the bathtub.

Pumikit siya at ninamnam ang lamig ng tubig. Pilit inaalis ang eksenang iyon na paulit-ulit tumatakbo sa panaginip at isipan niya.

Why is she feeling this? Kailan lang niya nakilala ang lalaki. Ni hindi nga sila nakapag usap ng matagal pero ang katawan niya parang kilalang-kilala ito.

Nang matapos ay agad siyang umalis. She badly needs a distraction or else she'll be crazy.

Nagtungo siya sa kampo nilang magpipinsan. Naabutan niya ang pinsan niyang ai Allesh na binabaril ang mga lata na ilang metro ang layo dito.

Napailing siya. Mukhang kailangan niya din nang ganung pagkakaabalahan kaya't lumapit siya dito.

Agad na humarap sa kanya ang pinsan at iniabot sa kanya ang isang pistol na umuusok pa ang nguso. Ilang oras na ba ito dito?

Nagfocus siya sa mga latang nasa harapan. Sa mga target niya. Tatlong piraso na lamang ito dahil naitumba na ng pinsan niya ang ilan.

Sunod-sunod ang ginawa niyang pagkalabit sa gatilyo kasabay ng pag tumba ng mga lata.

Inilapag niya ang pistol sa ibabaw ng mesa na naroon at pinuntahan naman ang dart board. Iyon naman ang pinagdiskitahan niya.

Nang matapos ay bumaling naman siya sa katana na nakasabit sa may dingding. Kinuha niya ang dalawa doon.

Ibinigay sa pinsan ang isa na agad naman nitong tinanggap. Alam na agad nito ang gusto niyang mangyari.

Naglaban sila. Nagpalitan ng atake pero wala sa kanila ang gustong magpatalo kaya't sabay nilang binitawan ang mga katana nila at naupo sa sahig.

"Anong problema mo?" Kilala na talaga nila ang bawat isa.

Parehas kasi silang magpipinsan ng paraan kapag gustong umiwas sa mga bagay na nakakapagdistract at nakakasakit ng ulo nila.

"Hindi ako dapat makaramdam ng ganito." Wala sa sarili niyang sabi.

"Makaramdam ng ano?" Nakatingin si Allesh sa kanya ng matiim.

"Someone kissed me." Lutang niyang sabi.

"Pwede ba Kryst sabihin mo na ng buo. Wag kang paputol-putol. Tangina hindi ako manghuhula." Iritado na nitong sagot na ikanabalik niya sa tamang wisyo.

Wala nga palang pasensya ang isang ito. Hindi dapat siya nagdadrama kapag ito ang kaharap. Straight to the point dapat.

"Kakakilala lang namin. Ni hindi nga kami nag usap ng matagal. Ni hindi ko nga alam ang buo niyang pangalan pero nang halikan niya ako pakiramdam ko kilalang-kilala ko siya."

"And you enjoyed his kiss?" Tumango ako na ikinatango niya din.

"At hinahanap hanap ng sistema ko yun." Napatigil sa pagtango ang kaharap. Tinitigan siya.

"Then find him and kiss him." Napailing siya sa sinabi nito.

"Hindi one plus one ang problema ko Allesh. This is about feelings. And feelings is distraction when it comes to us." Seryoso kong sabi. Bumuntong-hininga ito.

"Actually it depends on how we handle those feelings." Tumayo ito at lumapit sa nakasabit na punching bag. Pinagsusuntok ito habang sinasabayan ng iba't ibang foot works.

MOMOL now, LOVE later!Onde histórias criam vida. Descubra agora