Chapter 9

1.6K 29 0
                                    

Kanina pa nag aalburoto si Allesh sa tabi ko. Well, hindi ko din siya masisisi dahil focus talaga siya sa misyon namin samantalang panay paglalandi lang ang nangyayari sakin.

"Siguro naman may nakuha kang impormasyon habang lumalandi ka?" Pairap na sabi nito sa akin.

"Hindi ako lumalandi." Nakanguso kong sabi sa kanya.

"Wag kang ngumuso at baka bumalik ang mokong na iyon at halikan ka na namam tapos mawala ka na naman sa sarili." Sinundan ko ang tinitignan niya ng matiim.

Si Vaughnn na nakatingin sa pwesto namin. Kinindatan niya ako ng makitang nakatingin na din ako sa kanya. Umiwas ako ng tingin samantalang napabuga naman ng marahas si Allesh.

"Hindi nga lumalandi huh?" May sarkasmo nitong sabi.

"Bitter nito! Nasaan ba ang date mo at ako ang pinagbubuntunan mo ng kapaitan mo?" Pag-iwas ko ng topic sa akin.

"Pinatulog ko sa CR. Manyakin ba naman ako habang nagsasayaw kami kanina." Natawa ako sa sinabi ng pinsan ko at naawa sa lalaking naging daan para makapasok kami dito.

"Anyway, nalaman kong kapatid pala ni Vaughnn ang target natin." Napatingin siya sa akin at nanlaki ang mata.

"So isang Vergado si Vaughnn. Alam kaya niya ang ginagawa ng Kuya niya?" Malayo ang tingin na sabi nito.

"Yun ang aalamin ko." Madiin na sabi ko.

Magsasalita pa sana si Allesh ngunit na agaw na ang atensyon nila ng isang lalaki sa taas ng bulwagan kung saan patungo ang dalawang hagdan.

May kasama itong dalawang lalaki na pawang mga bodyguards sa likuran nito at isang magandang babae naman sa tabi nito.

"Sa wakas." Rinig niyang sabi ni Allesh.

"He's a hottie." Nasabi ko ng mapagmasdan ang mukha ng target namin.

"Yeah but a criminal." Dagdag naman ni Allesh na matiim ang pagkakatitig dito.

Dahan-dahang bumaba ang mga ito sa kaliwang hagdan at nang makarating sa stage ay inabutan ng mikropono ng nagsisilbing emcee sa event na 'to.

"Hello everyone. Can I have a minute first?" Natigil ang lahat sa kanya-kanyang ginagawa ng magsalita ang emcee sa harapan.

"I would like to introduced to all of you, the reason of this party. Mister Rogue Vergado, Welcome Back to the Philippines." Sumulyap ito sa lalaking nasa gitna ng stage at ngumiti.

Nagpalakpakan ang mga tao habang ang iba naman ay nagtaasan ng mga hawak nilang wine glass.

"Good evening ladies and gentlemen." Nakangiting bumati si Rogue Vergado ngunit bakas ang authority sa tindig.

Maririnig ang iba't ibang bulungan kasabay ng singhapan ng mga kababaihan sa bulwagan na ito.

No doubt na magkapatid nga sila ni Vaughnn. Ang lalaking pinagmamasdan namin ngayon ay may pagkakahalintulad sa kanyang kapatid. May maganda itong mata, matangos na ilong at mapanga na sakto lamang para sa kanyang mukha. Ang pinagkaiba lamang nila ay ang buhok at pangangatawan. Mas lean kasi ang nasa harapan na lalaki.

"I would like to thank all of you for going to my party. It's been a long long time since I left our country and I'd missed many things here but thanks to my brother, Vaughn Vergado for always updating what's happening here and for taking care some of my business. Wish you all enjoy." Iniabot na nito ang microphone sa emcee. Nagpalakpakan din muli ang mga tao.

Nang makababa na si Rogue sa stage ay naglapitan na ang karamihan ng mga imbitado dito. Lalo na ang mga businessmen na gustong mahuli ang loob ng binata.

MOMOL now, LOVE later!Where stories live. Discover now