Chapter 23

612 17 18
                                    

"Vaughn."

Napasinghap ako ng matiim niya akong tinitigan. Parang may kakaibang init na humagod sa puso ko sa mga emosyon na makikita sa mata niya.

Hindi ko alam kung dala lang ba ng tama ng alak o sadyang masyado lang siyang maganda sa paningin ko kaya imbes na magpanic ay mas pinili kong ngumiti ng matamis.

"You're drunk." Mahina niyang bulong.

"Yeah, tipsy." Napailing siya at inalalayan akong tumayo.

"Let's go. I'll drive you home." Mahina niyang sabi bago hinawakan ang siko ko.

Bago kami humakbang, sumulyap muna siya kay Allesh na nakalimutan ko na kasama ko nga pala. Lasing na nga ata talaga ako.

"I'll drive her home. Sabay ka na ba?" Ngumiti si Allesh na bihira makita ng iba.

Hindi na nga ako nagtaka ng magulat si Vaughn sa ngiti niya kahit kasi ako nabibigla kapag ngumingiti si Allesh. She has the cutest smile I've ever seen.

"Ingatan mo ang pinsan ko." Tumango si Vaughn at tinalikuran na ito ni Allesh.

Humarap na kasi ang isa sa bar counter at nag-order ulit ng panibagong drinks. Kaya naman nag-umpisa na din kami maglakad palabas.

Nang makarating sa parking lot ay inalalayan ako nito hanggang sa makapasok sa sasakyan niya. Siya na din ang nagkabit ng seatbelt ko bago isinara ang pinto  sa pwesto ko.

Agad din naman ito pumasok sa kotse at pumwesto na sa driver's seat. Tinitigan muna ako nito sandali bago nagsuot ng sariling seatbelt.

"You okay there?" Tumango ako ng mahimigan ang concern sa boses nito.

"Nahihilo lang unti but I can manage." Sagot ko at umayos ng upo.

Nang makalabas na sa parking lot ang kotse ay sumulyap siya sa akin sandali at nagtanong.

"Saan kita ihahatid?"

Sandali akong natahimik. Damn, wala nga pala akong mauuwian ngayon dahil pinasok ang unit ko kaninang umaga. Hindi naman ako pwedeng magpahatid sa headquarters. Hindi din ako pwedeng maghotel dahil wala akong dalang pera.

Bukod sa sarili ko, wala na akong dalang kahit ano dahil nga sa naganap kaninang umaga. Lasing na nga talaga siguro ako dahil hindi ko to naisip kanina.

"May problema ba?" Pansin niya sa akin bago itinigil ang sasakyan sa gilid.

Napakagat ako sa ibaba kong labi. Paano ko ba sasabihin na wala akong mauuwian na hindi nagtutunog na may itinatago.

"Ahm.. Ano.. Ano kasi—"

"Tell me, may problema ba?" Nag-aalala na ito.

"Kasi Vaughn wala akong mauuwian ngayon." Pinaglingkis ko ang dalawa kong kamay at nilaro-laro.

"What do you mean wala?" Nakakunot-noong sabi nito.

"May nanloob kasi sa unit ko kaninang umaga kaya nga maaga pa lang nasa LACK na kami nila Allesh." Sabi ko na lamang.

"Nanloob?" Naningkit ang mga mata nito. Tila hindi naniniwala sa paliwanag ko.

"Kung gusto mo pwede mo naman ako iuwi dun. Magtatawag na lang siguro ako ng maglilinis muna." Sabi ko bago bumaling sa bintana.

Nainis ako bigla. Hindi ba ako mukhang nagsasabi ng totoo? Am I not trustworthy for him?

"Hotel?" Patanong na sabi niya.

"Wala akong dalang pera. Nang looban ang unit ko ang unang naisip ko ay makaalis doon." Tumango-tango ito at tahimik na binuhay ang makina ng sasakyan.

MOMOL now, LOVE later!Where stories live. Discover now