Chapter 4

2.8K 36 0
                                    

Ang tagal nila Lei bumalik. Nakakarami na ako ng inom pero hindi pa rin sila bumabalik. Si JM kasi hila-hila na din nung ka-fubu niya kanina. Landi talaga!

Andito pa din ako sa gilid, nag-iinom mag-isa. Ayoko naman kasing makisalamuha sa iba. Yung mga babae dito, sobrang lalandi. Napaghahalataang iba ang hanap ngayong gabi. Yung mga lalaki naman, ilag sakin. Siguro dahil nga kay Joe.

Bumuntong-hininga ako at tumayo. Kukuha muna ako ng pulutan at extrang upuan para may mapatungan ako dito.

Kumuha ako ng sisig at isang monoblock sa malapit lang. Pagbalik ko sa pwesto ko, may nakaupo ng iba. Lilipat na sana ako ng marinig ko ang boses niya.

"Bakit mag-isa ka dito? Why not join the crowd?" Tanong niya habang nakatingin sa screen ng cellphone niya.

"Not in the mood." Kibit balikat kong sagot at lumapit na sa kanya.

Itinabi ko ang upuan ko na dala ko sa inuupuan niya. Tinatamaan na kasi ako ng ininom ko. Kailangan ko ng umupo dahil nahihilo na ako ng kaunti.

"Kuha ka pa isang upuan. Pagpapatungan ko nito." Utos sa kanya at itinaas ang beer at pulutan na dala ko.

"Akin kaya tong lugar. Inam ka makautos ah?" Sarkastiko niyang sabi na ikinatawa ko lang.

"Boss Vaughn, pwede bang pakuha ng upuan na extra?" Magalang na sabi ko na ikinailing niya. "Pwede na ba yun ha?"

Umalis siya sa inuupuan niya at kumuha ng iniutos ko sa kanya. Pagbalik niya, inalagay niya ang upuan sa harap ko. Nilagay ko naman ang mga hawak ko doon.

"Ang dami mo ng nainom." Sabi niya habang nakatingin sa lapag kung saan nakalagay ang mga bote na nainom ko na.

"Wala naman kasing makausap dito."

"Bakit yang mga yan?" Itinuro niya ang ibang tao dito sa loob.

"Nah. Kung mga babaeng maaarte at lalaking pambobola lang ang alam, no thanks! I'd rather be alone here." Ngumiti ito na ikinanganga ko ng konti.

Gosh! Ang pogi pag nakangiti. Bakit ganun? Bad boy looks pero pag ngumiti parang anghel. Life san ang hustisya!?

Tumikhim ako para maiba ang takbo ng utak ko. Namapak na din ako ng pulutan dahil sa biglaang tensyon na nararamdaman ko.

"Bakit pala hindi ka sumama sa kanila magsundo ng mga chicks daw?" Diniinan ko pa yung salitang chicks at daw.

"Mas kailangan ako dito. Besides, akin 'tong venue na 'to. Ayoko namang may kabulastugang maganap. Beer and hormonal people is enough." Kibit balikat na sabi niya habang humihithit ng yosi.

"Wow! Para namang hindi ka isa sa mga hormonal people na sinasabi mo." Natatawang komento ko naman na ikinatingin niya sa gawi ko.

"I am. Pero alam ko ang tamang lugar para sa mga bagay na ganun." Seryoso niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.

Bigla akong napalunok sa sobrang seryoso niya kaya naman…

"Aah.. ano… pahits nga!" Sabay hablot sa yosi niyang natitira.

Walang sabi-sabing napahithit ako sa hawak kong sigarilyo. Tangina! Natensyon ako sa titig niya.

"You smoke?" Gulat niyang tanong na ikinabaling ko sa kanya.

"Yeah. Minsan." His lips quirked up as his eyes lit up in amusement.

"Minsan?" Nakataas ang kilay na tanong niya.

"Minsan lang kasi ako magyosi. Pag trip ko lang o kaya naman pag sobrang badtrip. Pagtense at pag nag-iinuman." Paliwanag ko naman.

"You look too innocent." Humalakhak ako sa komento niya.

MOMOL now, LOVE later!Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt