Chapter 10

1.5K 30 1
                                    

"Meron pala kayong magandang kasama." May kislap ang mata nito.

Iba ang pakiramdam ko sa isang ito. Parang may alam siya na hindi ko alam. Nakakatakot ang kislap ng mga mata niya. Mababakas doon ang pagkamangha niya sa nangyayari.

Pero bakit? Bakit tila namamangha siyang makita ako? Ano ang alam niya? Alam ba niyang binabantayan namin siya?

Nabalik lang ako sa kasalukuyan ng sikuhin ako ng mahina ni Lei.
Bumulong siya sa tenga ko at hinapit ako ng kaunti sa bewang.

"You're spacing out baby. Masama na din ang tingin sayo ng dalawa. Mukhang nadagdagan na naman ang karibal nila." Nag-angat ako ng tingin sa kanya at ngumiti naman siya.

"Ha?" Bumungisngis siya at ginulo ng marahan ang buhok ko.

"Rogue hindi sanay si Kryst sa papuri. Nabigla mo ata." Sagip sa akin ni Lei.

Unti-unting nagsisink in sa akin ang mga nangyayari at parang gusto kong sabunutan ang sarili ko.

Get a grip of yourself bitch.

I mentally cursed myself as I look at him in the eyes. There's something in him that I can't figure out.

Napatingin tuloy ako bigla sa gawi ni Allesh. Sa unang pagkakataon, hindi ko alam ang ikikilos ko. Nanginginig ang mga kalamnan ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Nakita ko sa mata ni Allesh ang pag-aalala at pagtatanong. Blangko man ang ekspresyon niya sa mukha ay nababasa ko naman ang totoong nararamdaman niya dahil sa kanyang mga mata.

Lumapit siya sa amin ng may pagmamadali at ng makarating ay hinawakan ako sa braso.

Hindi siya nakatingin sa akin. Nakatutok siya sa lalaking dahilan ng ipinunta namin dito. Bigla akong humanga sa kanya ng makipagtitigan siya rito. Paano niya nagagawang hindi malunod sa mga mata nito? Malalim iyon, maraming bagay ang makikita mo.

Pagkamangha, takot at pag-aalangan ang naramdaman ko ng titigan ko iyon kanina. Mga bagay na nararamdaman ko lamang sa mga taong gumagalaw din sa nakatagong mundo namin.

Maaring kalaban o isang katulad namin pero iisa lang ang inilalabas na aura. Mapanganib.

"Hi boys! Hihiramin ko sana muna si Kryst sa inyo. May pinag-uusapan pa ba kayo na importante?" Ngumiti si Allesh sa mga kalalakihang itinuturing kong mga kaibigan.

"Wala naman na." Sabi ni Joe sa kalmadong tinig.

"Hindi pa kami nakakapagkilala." Biglang singit naman ni Rogue.

Tumingin si Allesh sa kanya at ngumiti. Sa unang pagkakataon hindi ko mabasa ang inilalaman ng isip ni Allesh.

"Ikaw si Rogue Vergado, right?" Nakangiting sabi ng aking pinsan. Napisil ko ang tagiliran niya sa iginagawi niya.

"You know me?" Kunwaring gulat na sabi naman ng kaharap niya.

"Ipinakilala ka kanina lang. Hindi ikaw ang lalaking madaling makalimutan baby." Maharot na sabi ni Allesh pagkatapos tumawa ng pagak.

Tumaas ang sulok ng labi ni Rogue at napasipol ang iba naming kasama. My god! Maglalandi pa ata si Allesh sa ganitong sitwasyon.

Ipinilig ni Rogue ang kanyang ulo na tila naging hudyat naman sa iba para gumawa ng iba't ibang palusot upang maiwan sila ni Allesh.

Naiwan lamang kami nila Joe, Lei at Vaughn. Nakatayo pa rin kung saan kami naroroon kanina. Hindi alam kung anong dapat gawin.

"Joe and Lei, ihanda nyo muna kaya ang mga business proposal nyo sa akin?" Sabi ni Rogue na nakatitig pa rin kay Allesh.

MOMOL now, LOVE later!Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin