Chapter 3

3.2K 43 1
                                    

"Hey bro, dumating na sila Lei?" Narinig kong nagsalita sa tabi ko. Nagtaasan ang balahibo ko sa batok dahil sa baritonong boses nito.

Sabay kaming humarap ni JM sa lalaki. Una niyang tinignan si JM ng sagutin nito ang tanong niya.

"Oo. Kararating lang nila. Bakit?" Sabi ni JM dito at itinuro si Joe at Lei na nasa kabilang bahagi ng mesa.

"May apat na chixx na nagpapasundo eh. Hindi ba kayo nagbabasa ng messages sa GC?" Sabi ng lalaki na tila di ako napapansin sa tabi ni JM.

"Hindi. Dun ka nga sa dalawa. Istorbo ka dito eh." Tinuro ni JM sila Joe saka lang napatingin sakin ang lalaki.

Parang nagslow motion ang paligid ng magtama ang mga mata namin. Hindi ko alam kung ilusyon lang ba 'to o ano pero I felt something strange.

Those dark tantalizing eyes, his proud nose, his tiny whiskers and his sexy lips makes me dumbfounded for a minute.

His lips slowly quirked up and damn! I find it sexy as hell until he spoke.

"Hi miss." Napalunok ako ng marinig ko ulit ang boses niya. Shit! Boses gwapo! May mukhang gwapo! I wonder what's his smell.

"Uhm.. Hi…" Awkward kong sabi at bahagyang kumaway. He chuckled from my gestures and whoa! I found it sexy too.

"Im Vaughn. You are?" Kinuha nito ang kamay ko at akmang hahalikan ng biglang may nagsalita sa likod namin.

"I'll kill you if you dont fucking remove your hands to her right now!" madiin na sabi ng boses sa likod ko.

"Uh-oh!" Sabi ni JM sa gilid.

Nag-angat ako ng tingin at nakita si Joe at Lei na nakatayo sa likuran namin. Madilim ang mukha ni Joe samantalang nakangisi naman ng pandemonyo si Lei.

Tinignan ko sila ng masama pero parang di nila ko nakikita dahil na kay Vaughn lang ang tingin nila.

"Are you the boyfriend?" Tanong ni Vaughn kay Joe. Hindi pa din niya binibitawan ang kamay ko.

"No but—"

Nanlaki ang mata ni Joe dahil bigla na lang hinalikan ni Vaughn ang likod ng palad ko. Kumuyom pa ang mga kamao ni Joe na halatang nagpipigil samantalang nagpamulsa naman si Lei.

"Hindi ka boyfriend. Walang masama sa ginawa ko." Nakangiti pang sabi ni Vaughn. Akmang susugod na si Joe ng pigilan ito ni Lei samantalang hindi naman natinag ang lalaking katapat ko.

"What's your name?" Iniangat pa nito ang mukha ko para mapatingin ako sa kanya.

"Haa?" Napamaang na lang tuloy ako sa kanya. Paanong nakakangiti pa siya sa kabila ng galit ni Joe na nasa gilid lang?

"Im asking your name, love." Titig na titig ito na nakapagpahina ng tuhod ko. Fuck! Bat ganto ang nararamdaman ko?!

"Im Kryst Zain Aguirra."

"Beautiful name. Just like you." Namula ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin kaso wrong move kasi nakatingin ng masama sakin si Joe.

Lumapit si Lei kay Vaughn at sinuntok ito ng mahina sa braso. Tumayo naman ako sa inuupuan ko at lumapit kay Joe.

"She's our best girl bestfriend dude. Not her, ayaw kong manapak." Sabi ni Lei kay Vaughn. Nagkibit balikat lang ang huli.

"Joe kumalma ka nga. Nagpakilala lang naman." Sabi ko naman kay Joe at hinawakan ang kamao niyang nakakuyom pero tinalikuran lang ako nito.

"Hayaan mo na muna Kryst. Nagselos lang yun." Sabi ni Lei na ikinailing ko.

Kay Joe talaga ako madalas nag-aadjust. Mainitin ang ulo nito at madalas overprotective.

MOMOL now, LOVE later!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon