Chapter 16

1.1K 26 2
                                    

Ilang linggo na kaming hindi nakakakilos ng maayos dahil alam naming nakabantay sila sa mga kilos namin.

Tulad ngayon nakabusangot na si Chae sa kanan ko samantalang bagot na bagot naman si Allesh sa kaliwa ko.

Kasalukuyan kasi kaming nasa isang business event kung saan pangunahing panauhin si Rogue at tulad ng inaasahan namin nandito na naman silang magbabarkada.

Kumpletong-kumpleto at alam kong nakikiramdam lang sa kilos namin. Sa kabila ng mga nalaman namin walang pagbabagong naganap kapag nagkakasama kami.

Ako lang 'tong ilang at aligaga kapag magkakasama. Minsan bigla ko nalang tititigan si Leigh o kaya si Joe sa sobrang pag-iisip ng mga bagay-bagay.

"Contest ba to ng paramihan ng buntong-hininga?" Basag ni Chae sa nakakabagot na atmosphere namin.

"Gusto ko ng bakbakan o kaya yung mapupudpud yung daliri ko kakatipa sa laptop ko." Biglang sabi ni Allesh.

"Mag encoder ka girl! Bet mo pa lang magtipa lang eh." Pambabara naman ni Chae na agad sinagot ni Allesh ng paghagis ng tissue na binilog.

Napatingin ako sa mesa namin. Saan nakakuha si gaga ng tissue?

"Too occupied huh?" Pambabasag ni Allesh ng mapansing confused ako.

Mataman nila kong tinitigan bago ako hinila palabas ng bulwagan na ito.

Dumiretso kaming tatlo sa labas. Sa medyo madilim na bahagi.

"Anong gagawin natin dito? Uumpisahan na ba natin? Pero hindi pa nag-uumpisa ang event." Sunod-sunod na tanong ko ng bitawan ako ni Allesh.

Hila-hila niya kasi ako palabas habang nakaagapay lamang sa amin si Chae.

"May nakasunod satin." Sabi ni Chae.

Binuksan ni Allesh ang pouch na dala niya at may kinuhang isang kaha ng sigarilyo.

Binigyan niya kami ng tig-isa ni Chae bago sinindihan ang hawak niya.

"Si Leigh lang yan. Just let him." Walang pakialam na sabi pa nito.

Inilagay ko sa pagitan ng mga labi ko ang sigarilyo na hawak ko na agad namang sinindihan ni Chae. May dala kasi siyang lighter lagi.

Regalo daw sa kanya ng lola namin yun. Well, hindi naman magreregalo ng simple ang lola namin.

"Anong extra skill nyang lighter mo?" Kunwari'y curious na tanong ko.

"Kayang sumunog ng buhok." Pakalyeng sagot ni Chae.

"Malamang bobo na lang nyan lighter mo kung di makakasunog." Tapos nag make face pa si Allesh sa kanya.

Hindi ko alam kung matatawa ako o hindi, parang mga batang nagpapayabangan yung dalawa sa harap ko habang ako nag-iisip paano makakakilos ng maayos sa mga plano namin.

Pag-ubos ng yosi ko ay itinapon ko nalang ito basta. Ganun din ang ginawa ng dalawa.

Nag alcohol muna kami ng mga kamay. Si Chae ay naglabas pa ng bubble gum at nginuya ito.

Iniharap ako ni Allesh sa kanya at hinawakan sa magkabilaang balikat. Tinitigan niya ang mga mata ko.

Habang nakatitig ako sa mga mata niya bumabalik sa akin yung nga panahong naglalaro pa kami. Yung mga larong akala namin laro lang talaga pero nag-uumpisa na pala si Lola nun sa pagsasanay samin.

Madalas nadadapa ako o kaya mahuhuli sa kanila. Si Chae napaka hyper kahit nung mga bata kami. Si Lhyndsay naman ayaw niya ng naaangatan siya kaya gagawin niya lahat para manalo. Si Allesh boyish talaga kumilos kaya nakakasabay sa lahat ng laro. Ako nakikisabay lang sa agos.

MOMOL now, LOVE later!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon