Chapter 8

1.6K 24 0
                                    

Napangiwi ako ng marinig ko ang baritonong boses ni Joe. Fvck! Di pa pala tapos ang drama niya.

Nagtitigan sila ni Vaughnn. Hawak pa din nito ang kamay ko, kinabahan ako bigla sa tensyon na nakapalibot sa amin. Napapatingin na nga din ang ibang nagsasayaw sa amin.

"She's not yours. Know your place bro." Mahina pero madiing sabi ni Vaughnn.

Tumiim ang bagang nito at hinawakan ang kabilang kamay ko. Kinabahan ako bigla kaya naman pasimple kong hinila ang kamay ko na hawak naman ni Vaughnn at sumulyap sa kanya.

Tinignan ko siya at tumango naman siya. Naiintindihan siguro niya ang gusto kong gawin kaya tiim bagang na lang siyang tumayo sa likuran ko.

"Joe niyaya niya ako ng maayos. Pwedeng tapusin lang namin ang isang sayaw?" Matagal bago siya sumagot. Nakatitig ng matiim sa akin.

"Don't get too close." Nakatinging sabi niya kay Vaughnn.

"Mahirap magsayaw ng malayo sa isa't isa. Alam mo yun bro!" Pigil kong mapasapo sa ulo ng sumagot pa si Vaughnn.

Damn! Naistress na ako. Wala bang pwedeng manghila sa isa sa mga to!

"Man kanina pa kita hinahanap." Lumapit sa amin si JM. Tinapik si Joe sa balikat.

Nang mapansin niyang may iba ay saka lamang siya tumingin sa amin ni Vaughnn.

Nagfist bump sila ni Vaughnn at bumeso naman sa akin bilang pagbati.

"Nandito ka din pala Kryst. Date ka ba ni Joe?" Pigil kong masapok si JM sa tanong niya.

Inaaa! Pinalala lang niya ang tensyon sa pagitan ng dalawa.

"Hahaha. A-no a-alis na kami ni Joe. Hinahanap kami ni Lei. E-njoy!" Nakangiwing sabi nito habang nakatitig samin ni Vaughnn.

Hinawakan nito sa balikat si Joe at itinulak ng marahan. Nagpatulak naman ang isa ngunit lumingon muli at sumenyas ng babantayan kita kay Vaughnn.

Nang makalayo na ang dalawa ay marahas akong napabuga ng hangin. I thought it would be easy for tonight.

"You look stress." It's not a question, it's a statement.

"I am. Joe's is in his badass self right now, I can't handle him." Tumiim ang bagang niya at hinawakan na ang bewang ko. Itinuloy ang naudlot naming pagsasayaw.

"Hindi ko alam na kakilala mo si Kuya." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong kilala? Sinong kuya?" Kumunot din ang noo niya sa tanong ko.

"Welcome Party 'to ni Kuya. Kaya I conclude na kilala mo siya." Pasimple siyang napasighap sa nalaman.

Kuya ni Vaughnn ang target nila. Napaisip siya bigla sa nalaman. Ibig sabihin isang Vergado si Vaughnn. Ang isa sa makapangyarihan ngayon sa underground society dahil sa kuya nito.

"Isinama lamang ako ni Allesh. Niyaya siya ng isa sa mga invited dito na maging date ngayong gabi." Nakangiti kong paliwanag habang dahan-dahan kaming sumasabay sa saliw ng musika.

"At ikaw?" Nakatitig na tanong nito na kinibit balikat niya.

"Ginawa akong third wheel ng pinsan kong yun. Wala daw kasi siyang tiwala sa hilatsa ng mukha ng date niya at nakukulitan na siya ng sobra kaya tinanggap niya sa isang kondisyon." Mahabang paliwanag ko.

"At iyon ay makasama ka?" Patanong na sabi nito na tinanguan ko.

"Ganun na nga. Ni hindi ko nga alam na nandito din sila Joe." Tumaas ang gilid ng labi nito ng banggitin ko ang pangalan na yon.

MOMOL now, LOVE later!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon