Chapter 21

660 11 5
                                    

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Tila binibiyak ito sa sakit at nararamdaman ko din ang tila pag-ikot ng paligid ko.

Pinilit kong makaupo at makasandal sa headrest ng kama.

"Fuck this headache!" Inis na sabi ko habang nakahawak pa sa ulo.

Tumingin ako sa paligid para lang marealize na wala ako sa sarili kong unit. Kanino na naman tong bahay?

Napatingin naman ako sa suot ko. Iba na sa bestidang pinasuot sakin ni Johanne. Inamoy ko ang polo, amoy panlalaki.

Pinilit kong tumayo at magtungo sa banyo. Kailangan kong makaligo para mabawasan ang hangover na dinadanas ko.

Agad na linukob ng ginhawa ang katawan ko ng maramdaman ko ang lamig ng tubig. Unti-unti akong napapikit habang ninanamnam ang sarap nito.

"Kryst! Kryst!"

Napabalikwas ako ng marinig ang sigaw sa labas ng banyo. Hindi pa ito nakuntento dahil sinundan pa nito iyon ng malalakas na katok.

"Kryst open this fucking door." Iritang umahon ako sa bathtub.

Isinuot ko ang bathrobe na nakita kong nakasabit sa likuran ng pinto.

"Open this fuc—"

Nabitin sa ere ang kamay niya na kakatok sana. Tinignan ko siya ng masama.

"Ano?" Malamig kong sabi.

Pinasadahan ako nito mula ulo hanggang paa at naiiling na lumayo sa akin.

"So its true." Tila sarili niya ang kausap ng sabihin iyon.

"Totoo ang alin? Sobrang sakit ng ulo ko Joe. Wag ngayon please lang." Nag-uumpisa na naman ang inis na narararamdaman ko.

"Did you even know kung kanino tong bahay?" Namamangha niyang sabi sa akin na ikinakibit-balikat ko lamang.

"Hindi but the fact that I am safe is enough, right?" Tinalikuran ko na ito at akmang isasara na ang pintuan ng banyo.

"You slept with Vaughn." Agad akong napatingin muli sa kanya.

Tinitigan ko ang mukha niya. Pain, anger and frustration can be seen. Pero wala akong makapang kahit anong emosyon. Hindi ako naguguilty o nagsisisi man lang.

"Alam mo ba kung anong nangyare sa inyo kagabi?" Umiling ako.

"Hindi. Wala naman kasing nangyari." Deretso ko siyang tinignan. Nakita ko pa ang pagkuyom ng mga kamao niya.

"Who the fuck told you to just barged in my room Joe!?" Galit na boses ni Vaughn ang nagpaputol ng titigan namin.

"And who the hell are you to slept with my bestfriend?" Galit na sabi naman ni Joe.

Saka lang dumapo ang tingin ni Vaughn sa akin bago nagmamadaling lumapit sa akin at itinulak ako papasok sa loob ng banyo.

"Never ever face someone with that kind of clothes." At mabilis na isinara ang pinto.

Naiwan ako sa loob ng banyo. Nalilito at naguguluhan. Teka hindi pa tapos ang usapan namin ni Joe at anong problema sa bathrobe? Wala namang makikita sa akin kapag ito ang suot.

Lalabas na sana ako ulit kaso nasa labas lang pala ng pinto si Vaughn at nang makita niya akong sumilip tinignan niya na agad ako ng masama kaya naman isinara ko na lang muli ang pinto ng banyo.

Hindi ko masyado marinig ang pinag-uusapan nila kaya naiinis ako sa nangyayari. At bakit ko ba sinusunod ang lalaking yun?

Huminga ako ng malalim bago nagdesisyong mag-anlaw na sa shower. Nang matapos ay agad akong lumabas ng banyo ngunit wala na si Joe doon.

MOMOL now, LOVE later!Where stories live. Discover now