Chapter 7

1.8K 29 0
                                    

Dalawang linggo akong nagburo sa unit ko. Ang dahilan ay ang pinapabantayan sakin ni Chae.

Isang pilipino na isa pa lang head ng isang organisasyon sa America. A young bachelor, na hindi mo pag-iisipan ng masama kung makikita mo ang itsura.

Ngayon nga ay paalis ako upang manmanan ito sa isang party na gaganapin sa isang malaking hotel.

I am wearing a black long gown with a slit in the side. Nakalugay lang ang mahaba kong buhok. Light make up lang din ang suot ko.

Pupunta din doon si Allesh. Tulad ko ay ganoon din ang gagawin niya. Siya rin ang dahilan kung bakit kami nagkaroon ng access sa party na iyon.

One of his acquaintance is invited in that party. Mabuti na lamang at niyaya siya nito bilang date sa gabing iyon.

Pumayag siya sa isang kondisyon. Magsasama siya sa party na iyon na ako nga. Ibinigay niya na sa akin kahapon ang invitation card.

Hiniram ko din ang kotse na ginagamit lang namin kapag may mission kami. Isang red na Mustang.

Hindi mo iisipin na mayroon itong kakaibang gamit sa loob lalo na kung panay mga elite ang dadalo sa party na iyon. Idagdag mo pa ang super tinted na salamin nito na bullet proof din.

Iisipin mong isang spoiled brat na teenager ang may-ari nito. Hindi din to gagana kung hindi fingerprints naming magpipinsan ang gagamitin.

Nakarating ako ng maayos at mabilis sa venue ng party. Agad na ininspeksyun ang laman ng pouch ko. Nang maging okay na ay hinanap naman ang inivitation card bago ako pinapasok.

Isang malawak na bulwagan ang bumungad sakin na nakabalot sa iba't ibang bagay na kulay ginto.

Classic and Elegant. Yun ang aura na pumapalibot sa lugar. Mula sa kurtina, sa mga table cloth, kutsara't tinidor, maging ang mga plato at bulaklak na nakalagay sa mesa ay kulay ginto.

Sa magkabilang gilid ng nagsisilbing stage ay may dalawang malaking hagdan.

Inilibot ko ang paningin ko. Naghahanap ng mga pwedeng pagtaguan kung sakaling magkagulo. Tinignan ko din ang bawat CCTV na nakakabit sa bawat sulok. Kung saan ito naka anggulo at kung ano ang sakop nito.

May dumaan na waiter sa pwesto ko. Pinahinto ko ito at kinuha ang isang baso na naglalaman ng wine.

Sa kanang kamay ko kung saan may nakasuot na singsing ang ginamit ko panghawak sa wine glass. Nadedetect kasi ng singsing na suot ko kung may lason o droga ang mga pagkaing madadampian ng kamay ko.

Hindi kuminang ang singsing. Ibig sabihin safe ito kaya naman inisang lagok ko lamang ang laman nito.

"Wag kang magpapakalasing. We need to focus." Boses iyon ni Allesh galing sa hikaw na suot ko na nagsisilbing earphone ko.

Samantalang ang choker na suot ko naman ay may mouthpiece kaya nakakapag-usap kami.

"Where are you?" I asked while acting sipping on my glass.

"90° degree West. I'm in blue gown." Tumingin ako sa lugar na sinabi niya and there she is waving her hand at me.

Lumapit ako sa kanya habang pasimpleng pinagmamasdan ang paligid ko. I need to be a alert.

Pero bago pa ako makarating ay may humila na sa akin. Napaharap ako bigla sa may hawak sa akin. Nakahanda sa kung ano man ang pwedeng mangyari.

Pero nagulat ako ng ang mabungaran ko ay si Joe in his gray suit. Napagkalapit ng mukha namin dahil sa lakas ng paghila niya sa akin.

"Why are you here?" He asked, his voice is hoarse. I smell alcohol in his mouth.

"Allesh asked me to come with her." Sabi ko habang blangko ang mukha.

MOMOL now, LOVE later!Where stories live. Discover now