Chapter 15

1K 24 1
                                    

Nagpatawag ng meeting si Allesh. Nagmamadali kami ngayon ni Chae na pumunta sa headquarters.

Sabog pa ang buhok ni Chae na ngayon ay nasa driver's seat. Nagbantay kasi kami kagabi sa bar namin na nakakalimutan na namin dahil sa dami ng ginagawa namin.

Panay si Johanne na lang ang nag-aasikaso nito. Kaibigan namin siya at isa siyang certified party girl kaya ng inalok namin siyang maging manager ng bar namin ay hindi siyang nag atubiling tanggapin ito.

"Sis kalat kalat pa make up mo." Puna ko kay Chae na humihikab hikab pa habang nakatingin sa kalsada.

"Grabe yung naka make-out ko kagabi. Ang aggressive masyado." Tumawa pa ito ng malandi. "Buti nalang talaga hindi nag smudge lipstick ko." Napailing ako at tumingin sa bintana.

"Too much information Chae. You should know when to keep your mouth shut, I don't fvcking care about your sex life so just keep it to yourself." Lalong siyang natawa sa sinabi ko.

Hindi maganda ang mood ko dahil it's the time of the month, If you know what I mean. Lintik ang dysmenorrhea na nararamdaman ko.

"Ang lansa ng ugali mo ngayon ah." Natatawang sabi pa nito ng mapansing nakakunot na ang noo ko at aburido na sa traffic na nasa harapan namin.

"Just shut up Chae."

Nanahimik din naman ito ng marinig na ang diin sa sinabi ko. Ayoko talaga ng maingay o yung kinukulit ako kapag meron ako kasi hindi biro yung dysmenorrhea ko.

Nagpatuloy ang byahe namin hanggang sa mapapreno bigla si Chae. Inis na humarap ako sa kanya ngunit hindi niya ata ako pansin dahil sa sideview mirror siya nakatingin.

"Why? What happened?" Kunot-noong tanong ko ng hindi siya makuntento sa pagtingin sa side mirror ay luminga pa siya sa likuran namin.

"Tangina may sumusunod satin." Napatingin na din ako sa tinitignan niya.

"See the red one, the third one after us. Kanina ko pa napapansin na nakasunod sila. Akala ko parehas lang ng daan pero kanina biglang nag slowdown nung mapansing malapit na sila satin masyado." Hinanap ko ang tinutukoy niya.

May isang pulang SUV nga sa side namin. Natigil lang ang pagtingin ko ng bumusina na ang nasa likuran namin ng paulit-ulit.

"Oyyy! Umabante na kayo aba! Nakakaabala na kayo masyado." Sigaw nung nasa likuran naming kotse.

Agad na binuksan ko ang bintana, nilabas ko ang ulo ko at taas-noo na itinaas ang gitnang daliri ko.

Tumawa ng malakas si Chae sa ginawa ko. Bumusina siya ng dalawang beses at mabilis na pinasibat ang sasakyan namin.

"Damn sis! Ang badass mo kanina dun." Tuwang-tuwa na sabi niya.

"Sino?" Walang gana kong sagot. Naiinis na sa ingay niya.

"Ikaw nga." Sabay tawa na naman ng malakas.

"Sino nagtanong? Sino may pake sa sinasabi mo?" Pambabara ko na lalo niyang ikinatawa.

Hindi ko talaga maintindihan 'to minsan. Akala mo first time niya makakita ng babaeng nag dirty finger.

Sumusunod pa din samin yung SUV kaya ng makakita si Chae ng lugar na may matataas na damuhan ay isinuot niya ang sasakyan namin doon.

Hindi na kami mapapansin ng mga yun dahil ilang kotse na ang pagitan nila sa amin dahil sa nangyari kanina at sa pagsibat ng mabilis ni Chae pagkatapos ko gumawa ng eksena.

Nang makalagpas sa amin ang sasakyan nila ay nag-antay pa kami ng ilang minuto bago umalis doon.

Bago kami lumiko sa isang kalye ay kumaway pa si Chae sa SUV na pula dahil tumigil pa ito. Malayo na ito sa amin at hindi na nila kami mahahabol dahil kakailanganin pa nilang umikot muli.

MOMOL now, LOVE later!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon