Chapter 11

1.4K 31 0
                                    

"Don't think to much Kryst. Andito lang ako para sayo."

Napabuntong hininga na lamang ako at napasambunot na talaga ako sa sarili kong buhok nang marinig ko yun mula kay Joe. Nalungkot ako para sa kanya. Hindi ako karapat-dapat sa isang tulad niya.

Ayokong madamay siya sa magulong mundo namin na pilit kong itinatago sa kanila. Mapanganib para sa kanila iyon.

Twing ganito kabait at kalambing sa akin si Joe ay nasasaktan ako. Alam ko kasing hindi ko kayang ibalik yun sa kanya.

Pinilit ko ngang pigilan ang atraksyon ko sa kanya ng mga bago palang kami magkakilala eh. Alam ko kasing hindi ko din mapapanindigan. Alam ko kasi na ang kapalit ng bawat seryosong desisyon na ginagawa namin ay nakasalalay ang mga mahal namin.

Pero ngayon mas nasasaktan ako. Nasasaktan ako para kay Joe dahil nagagawa kong ibalik ang atraksyon ng iba pero sa kanya hindi ko magawa. Nagagawa kong bigyan ng halik ang isang bagong kakilala pero siya na may pagtingin sa akin ng matagal ay hindi.

Nalilito ako. Bakit kay Joe nagagawa kong pigilan ang mga nararamdaman ko? May atraksyon din naman akong naramdaman sa kanya dati pero hindi tulad ng kay Vaughn.

Si Vaughn kapag kasama ko, hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Parang laging gusto ng katawan ko ang mga haplos at hawak niya sa akin na minsan ay hindi naman sinasadya.

Tulad na lang nung nagsasayaw kami kanina, kalmado ang buong katawan ko. Bigla akong naging komportable kahit na may kinakaharap kaming gawain ni Allesh.

Pero kapag si Joe, napapadikit pa lamang ako sa kanya natatakot na agad ako. Naiisip ko kaagad ang mga pwedeng mangyari kapag nagtuloy ang atraksyon  ko sa kanya.

Pero bakit kay Vaughn nakakalimutan kong kailangan kong mag-ingat? Init lamang ba ito ng katawan?

Naiisip ko tuloy minsan na baka taglandi lang talaga ako kaya ganito ang mga nararamdaman ko.

O baka tama si Allesh. Baka tama siyang kailangan kong pagbigyan ang katawan ko para malaman ko ang totoo kong nararamdaman.

I unconsciously sigh because of too much stress. Napasandig din ako ng tuluyan sa likuran ni Joe.

"You're over-thinking again." Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad habang nakapiggyback ako sa kanya.

"Am I hurting you so much Joe?" Umiling siya pero ramdam ko ang pag igting ng panga niya.

"Bakit hindi ka na lamang lumayo sakin?" Dagdag kong tanong ng manahimik siya.

"Sinubukan ko Kryst. God knows I tried but everytime I think of you, I just can't. I'd rather be with you hurting than losing you at all." Ako naman ang nanahimik sa sinabi niya.

Ganun na kalalim ang pagkagusto niya sa akin kaya mas natatakot akong sumugal sa kanya.

Mas malaking halaga, mas malaki rin ang mawawala or the other way around. That's how gamble works and I'm not a gambler. I always think first before risking. I always make sure I am the one who will win.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita ng hindi pa din ako umimik pagkalipas ng ilang minuto.

"Nasasaktan ako pero alam ko namang hindi mo yun gusto. Alam kong hindi mo ako gustong saktan. Wag kang mag-alala, hindi mo kailangang suklian ang nararamdaman ko. Masaya na ako na hinahayaan mo ko sa tabi mo at nakikita kitang masaya. That's all I wanted for you Kryst. Be happy even if it hurts me, okay?" Naluluha na naman ako sa sinabi niya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya naman nag-isip ako ng usapan na makakapagpagaan ng loob niya.

"Do you know that I have a crush on you before?" Tumawa siya ng mahina sa sinabi ko.

MOMOL now, LOVE later!Where stories live. Discover now