Chapter 5

2.4K 33 0
                                    

Nakaupo si Kryst habang sapo sapo ang ulo niyang parang binibiyak. Ito ang napala niya sa paglaklak ng napakaraming alak kagabi.

Hindi pa niya naimumulat ang mga mata ng may marinig na pamilyar na boses.

"Buti naman at gising ka na." Napaangat ang tingin niya sa lalaking nakatayo sa hamba ng pinto.

"Te-teka! Bakit ka nandito?" Tinaasan siya nito ng kilay habang siya naman ay hinila ang kumot hanggang sa leeg niya.

"Dahil akin to." Kibit balikat na naglakad si Vaughnn patungo sa isang mahabang sofa na nasa gilid, sa paanan ng kama.

"Sa-sayo?" Doon lamang niya inilibot ang paningin niya sa kabuoan ng kwarto na tinutuluyan.

Blue na kulay na dingding? White ang nasa kwarto ko.
Blue green na kisame?
White pa din ang akin.

Nanlalaki ang matang napaharap ulit siya sa lalaking prenteng nakaupo sa kaharap na sofa.

"Bakit ako nandito? Pinagsamantalahan mo ako no?" Itinaas niya ang kumot at sinilip ang loob niyon.

Iba na ang damit niya at nakashort na lamang siya ng maiksi. Nakatshirt din siya na sa hinuha niya ay panlalaki.

Patay!

"Wag mong sabihing may nangyari satin kagabi?" Nanlalaki ang matang tanong niya sa kaharap.

"Meron nga."

Nakagat niya ang ibabang labi at ipinikit ang kanyang mga mata. Pilit inalala ang mga nangyari nang nagdaang gabi ngunit bigo siyang makaalala.

"Paanong may nangyari?" Nanlulumong napayakap siya sa sarili.

"Hindi mo maalala? Iinom inom ka ng madami at ngayon ay hindi mo maalala?" Umiling-iling pa ito habang nakakrus ang mga braso.

"Wala akong maalala." Pabulong niyang sabi. Nanghihina.

"Pagkatapos mo akong sukahan hindi mo maalala? Ibang klase!" Tumayo pa ito at dahan-dahang pumalakpak na may sarkasmong mga ngisi.

Habang siya naman ay nangunot ang noo. Sinukahan? Sinukahan niya ang lalaking ito?

"Sinukahan kita? Yun ang nangyari kagabi?" Naniniguro niyang tanong.

"Oo. Ano pa ba sa palagay mo?" Nakakunot na din ang noo nito at biglang humagalpak ng tawa ng hindi siya nakaimik.

Shete! Nakakahiya!

"Iba ba ang inisip mong nangyari?" Kinagat lamang niya ang ibabang labi habang lumapit naman sa kama si Vaughnn.

Shit! Shit! Shit!
Ang gwapo pala talaga ng kumag na 'to lalo na ngayong maliwanag na.

"Done checking me?" Napasinghap siya ng magsalita ito at malapit na ang mukha nito.

"Tangina."

Yun na lamang ang nasabi niya ng mahina na ikinatawa lang nito at biglang ginulo ang magulo na niyang buhok.

"Mag ayos ka na at lumabas ka pagkatapos. Nakahain na ang almusal." Tumayo ito at lumabas na ng pinto.

Napatitig na lamang siya sa nilabasan nito. Hindi pa lubos na nagsisink in sa kanya ang mga nangyari. Marami pa siyang katanungan at hindi niya alam kung ano o saan magsisimula.

Nasaan ba ang dalawang best friend niya? Bakit si Vaughnn ang kasa-kasama niya? Ano ang nangyari kagabi bukod sa pag inom niya ng marami?

Tumayo na siya at nagtungo sa banyo. Isang malamig na tubig ang kailangan niya para mabawasan ang hangover niya. Kaya naman natagalan siya sa pagligo ng maisip niya ang kanyang gagamiting pamalit.

MOMOL now, LOVE later!Where stories live. Discover now