Chapter 14

1.1K 28 17
                                    

"Kasama na ba siya sa mamanmanan natin?" Tanong ko kay Allesh ng sabihin ni Chae kung sino ang pwedeng may gawa nito.

Hindi din ako makapaniwala na isa sa mga pinagkakatiwalaan ko ang may gawa nun ngunit kilala ni Chae ang lahat ng konektado sa taong 'to. Alam niya ang mga bagay na hindi ko alam dito.

"Oo pero hindi dahil sa naghihinala tayo sa kanya. Mukhang wala naman siyang masamang intensyon dahil ang nakasulat sa note ay mag-ingat tayo para sa kanila. Ang kailangan nating alamin ay kung sino-sino pa ang kasama niya sa kung anumang agenda niya." Tumango-tango kami sa sinabi ni Allesh.

"Ang kailangan pa nating alamin ay bakit alam niyang may misyon tayo? Hanggang saan ang alam nila sa atin? O pati ba ang organisasyong kinabibilangan natin ay alam din nila? Paano nila nalaman?" Nakatulala pa rin si Chae, tulad ko ay hindi niya lubusang matanggap na maaring ang taong iyon ay may kinalaman dito.

Lalo lamang gumulo ang lahat sa akin. Pati si Chae ay alam kong apektado. Umalis siya ng bansa para sa taong mahal niya para maiwas ito sa mga kaaway namin. Para maingatan nito ang mga taong mahalaga sa amin.

Kung hindi lamang malaki at mahalagang misyon ito paniguradong hindi ito babalik ng bansa. Aminin man niya o hindi, alam naming hanggang ngayon makalipas ang tatlong taon ay hindi pa rin nagbabago ang laman ng puso niya.

"You okay?" Pabulong kong tanong kay Chae sabay tapik sa balikat niya.

Humarap ito sa akin at ngumiti ng matipid. Makikita ang pait sa mga mata nito na may kahalong pangamba, takot at pagtataka.

"I dunno what to think anymore. Akala ko pagbalik ko dito ay mas magiging madali ang misyon na ito dahil bukod sa kasama ko na kayo at katulong ay nasa sariling bayan ako ngunit bakit tila lalong gumulo, humirap?" Tinap ko ang likod niya.

Pinapakalma siya. Alam ko kung ano ang nararamdaman niya sa mga oras na ito. Ako man ay nahihirapan sa sitwasyon namin, marami kaming mga bagay na nalaman na tila mas magpapahirap pa sa amin.

"We will find the truth behind all of it." Pagpapalakas ko ng loob sa kanya.

Bumuga siya ng hangin at inihilamos ang palad sa mukha. So much stressed is eating her up right now.

"Magpa-spa tayo mamaya." Tumingin kami kay Allesh ng magsalita ito.

Nakaharap ito sa laptop niya at nag-uumpisa ng magtrabaho. Ngumiti si Chae ng matamis ng marinig ang sinabi ng isa.

"G!"

Napailing na lamang ako. Nabalewala ang mala-MMK kong pagchecheer up sa kanya ng marinig ang salitang spa.

Inirapan ko si Allesh na walang pakialam sa paligid niya. Walangya to! Panira din ang isang 'to eh.

Hinila ko si Chae sa kusina. Siya ang pinagluto ko ng almusal dahil wala nga akong panlasa dahil sa pagkakapaso ng dila ko.

Alas sais na ng umaga. Ang araw ay sumilay na kaya naman hindi na kami bumalik sa pagtulog. Masyado kaming nalibang kanina sa pag-uusap kung kaya't hindi na namin namalayan ang oras.

"Bakit hindi ikaw ang magluto dito? Kusina mo ito tapos ako ang inuutusan mo." Sabi ni Chae habang naglalabas ng mga gagamitin niya sa pagluluto.

"Napaso yung dila ko kanina sa sobrang pag-iisip ko. Hindi ako kinabahan dahil sa takot eh. Napaisip ako ng malalim. Ang dami ko pa ding tanong sa isip ko pero wala pa ding sagot kahit na pwedeng totoo yung hinala natin." Tinitigan niya ako saglit at walang emosyon na nagprepera ng kakainin namin.

Nang matapos si Chae sa pagluluto ay kumain na kami. Ito ang unang beses na kakain kami ng sabay-sabay simula ng makabalik si Chae sa bansa.

Magana kaming kumain lalo na si Allesh na pinapak ang mga ulam sa hapag. Ang niluto ni Chae ay Fried Rice, scramble egg, hotdog at tuyo na may kamatis.

MOMOL now, LOVE later!जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें