Chapter 2

430 13 0
                                    

ALAS siyete pa lang nang umaaga ay nasa mart na si Ambrose para raw kunin ang sukli nito. Wala naming problema sa kaniya, pabor pa nga. Maganda na naman ang simula ng araw niya.

Ambrose was wearing a white polo shirt and a denim pants. Basa basa pa ang bagsak na buhok nitong umabot na sa taas ng mga mata. Truly a sight to behold. It was refreshing and somehow felt light for her.

May dala itong dalawang cup ng kape, para sa kaniya ba ulit iyon?

"Here, nakakahiya naming pumunta dito ng wala man lang dala." He was looking at her with a bright smile habang inaabot ang kape. Wala naman siyang nagawa kung hindi ang kunin ito.

She timidly smile, "Salamat po."

"Sure thing. Anyway, nakita ko pala 'tong nakadikit sa glass door sa labas." Ambrose lift his right hand at itinapat sa mukha niya ang papel.

It was the "wanted cashier" sign.

"Balak ko sanang mag apply." Parang walang sabi nito sa kaniya.

She can't help but to blurt out.

"Ikaw? Mag a-apply? Mukha ka namang mayaman based sa pananamit at pagsasalita mo, hindi ka naman mukhang hirap sa buhay at isa pa ang pogi mo para magtrabaho sa isang mart." Napangiti nang malaki ang binate sa tinuran niya.

"You think I'm handsome?" He smiled beamingly. What was she thinking? Kung ano ano ang nasabi niya. Nakakahiya at baka sabihin nito pinagpapantasyahan niya ito.

"Ang ibig kong sabihin, siguro naman nakapagtapos ka ng college, diba?" Dali niyang iniba ang usapan. Baka kainin na siya ng lupa maya maya.

"Well, I did actually." He answered while sipping the coffee.

Kahit saang anggulo hindi talaga bagay sa binata ang magtrabaho bilang cashier. Pati paghigop ng kape ay sosyal ang dating. It is like how her father usually drink his coffee. Refined at parang ingat na ingat.

Labis talaga ang pagtataka niya kung bakit gusto nitong magtrabaho sa mart kung ganong nakapagtapos naman pala ito. "Kung ganon ay bakit dito mo gustong magtrabaho? Ano bang program ang natapos mo?"

Hindi niya mapigilang magtanong.

"I graduated under BS Entrepreneurship program, ilang taon na rin. Kung bakit naman dito ko gustong magtrabaho? Let's just say na I'm following my life long dream." Titig na titig ito sa kaniya na para bang may ibang ibig sabihin ang sinabi nito.

"Okay." She don't know what to say, parang nateteme siya at abot abot ang kaba. Napahigpit ang hawak niya sa cup ng kapeng kanina pa niya ubos.

It actually tasted good. Namiss na niya ang purong kape sa mga coffee shop, bakit nga ba hindi? Laging instant na nasa sachet ang iniinom niya.

"So? May interview pa ba? Ano bang kailangan?"

Binuksan niya ang drawer sa ilalim ng kaha at kinuha ang listahan ng mga requirements. "Ito oh," inabot niya ito sa binata.

"NBI Clearance, Barangay Certificate, Valid ID." Tumigil ito at tumingin sa kaniya.

"Parang mag a-apply ako sa isang malaking kompanya ang daming kailangan. Pwede bang to be follow na lang?" Tinaas baba pa nito ang kilay na para bang sinasabing umoo na lamang siya.

Napaisip siya, "Eh baka kasi makagalitan ako ng boss ko, at isa pa hindi naman na siguro kailangan ng interview dahil depende naman daw sa akin kung sino ang tatanggapin ko." Sabi niya sa binata.

"Ayun naman pala eh, depende naman pala sayo. So, to be follow na lang ah. Magbreakfast ka muna at ako ang tatao dito." He immediately went inside the cashiers' station at marahan siyang tinulak palabas doon.

COMMANDO 1: Nathalie JeanWhere stories live. Discover now