Chapter 14

171 6 2
                                    

Happy Reading, Lovies. Show me some love! Konti na lang po ay matatapos na ang story ko. Stay with me, thank you so much.
---

MADILIM na nang magising siya galing sa pagtulog. Its currently 9 in the evening. Siguro naman ay nakauwi na ang kaniyang Papa.

She's decided. Magpapakasal na siya.

Umupo siya sa kama at inabot ang telepono na nakakonekta sa kanilang Butler na si Benjamin.

"Benjamin, nakauwi na ba si Papa?" Tumingin siya sa bintana.

Nasa west wing sa loob ng mansion ang kwarto niya. Ang Papa naman niya ay nasa kabilang parte kaya gusto niya munang siguraduhin kung nakauwi na ito bago puntahan.

"Young lady Nathalie, good evening. Nasa sa gazebo ho ang inyong Papa. Kauuwi lang din galing sa opisina. Hindi kapa kumakain, gusto mo bang padalhan kita riyan?"

"Ganun ba? Alright, I'll be down there. Huwag mo na kong padalhan dito, I will talk to Papa first. Thank you."

Sasabihin niya ritong payag na siyang magpakasal.

Binaba niya ang mga paa sa sahig. Sinubukan niya kung kaya na ba niyang maglakad mag isa.

Thank goodness at kaya naman niya.

Alalay ang paglalakad niya, lalo ang pagbaba sa grandiyosong hagdan nila. She traced every detail. It was her Mama who designed the whole mansion. According dito, ang pag decorate sa interior ng kanilang bahay ang stress reliever nito.

Lumapat ang paa niya sa pinakahuling baitang. Mula doon ay tanaw na tanaw ang malaking portrait ng kanilang pamilya. They were all smiling, halos mapuknat ang pisngi nila.

Ah, she remembered. They were teasing her Mom dahil nakapa sweet nito sa Papa nila. Syempre raw, may gusto raw kasi siyang bilhing bag mula sa france, kaya naman nauwi sila sa matinding tawanan.

Those were the good times. Their happy times.

It was like they lost their glue. Sa tulong ng ina nila ay nagkakasundo sundo silang lahat. She was the most kind hearted woman she know. The most understanding.

Time passes by, their Papa changed. Big time.

Until now ay masama ang loob niya rito. Gusto lang niyang maintindihan siya nito, kung bakit iba ang gusto niya. But her Papa, saradong sarado ang isip. Hindi niya napigilang mapaluha.

Pero agad niya ring pinunasan iyon. She had enough.

She heavily sighed. Tinatanggal ang bara sa kaniyang lalamunan.

Pumunta na siya sa likod na bahagi ng mansion kung saan naroon ang Garden nila.

Natanaw niya ang ama na nakaupo sa Gazebo.

He was staring at the pool holding a glass of brandy perhaps.

"Hey, your home." She called out.

Lumingon ito sa kaniya, "Why are you here? Dapat ay nagpapahinga ka lang muna."

"I just woke up. May gusto lang akong sabihin, Pa."

Umupo siya sa tabi nito at tumingin din sa pool.

"Did you really do it? Was it that difficult for you to end your own life?" Diretso nitong tinungga ang baso at tumingin sa kaniya.

She gazed back. There's a hint of regret in his eyes. Pagsisisi na hindi niya alam kung para saan.

"Of course not. Did you really consider na kaya kong gawin iyon?"

"I don't know? You were acting different since the day we went home."

Nathalie reached for his hand. Lightly squeezing it.

COMMANDO 1: Nathalie JeanWhere stories live. Discover now