Chapter 17

186 9 1
                                    

Happy reading, Lovies! Take breaks sa work and acads. Have your short "me time". Stay safe! Thank you for reading.

---

MALALIM ang naging kunot sa kaniyang noo nang sabihin ng kaniyang Papa na bibigyan siya nito ng body guard. Dahil daw siya na ang pumalit dito.

"Pa, I can manage. Alam mo namang hindi ako sanay na may bodyguard. Plus, what's the difference now? Since then wala naman tayong bodyguard to keep a low profile." Nakaupo ito sa sofa sa gitna ng opisina niya. Samantalang siya ay busy sa pagbabasa ng mga reports.

Ayaw din niyang makita ang ama. Naiinis pa rin siya rito at masama ang loob.

They were talking to each other, but that's it. Hindi pa rin sila okay.

She can feel her father's gazed, inangat niya ang ulo.

"Its for your protection, iba na ngayon." Pagod na saad nito.

"Protection huh? Maybe you're scared of me running away again. It's final, I don't want a bodyguard."

Her office door opened. Namilog ang mata niya nang masilayan kung sino ang niluwa no'n.

"Brent! Oh my gahd, where have you been? Gosh!" Hindi magkandaugagang tumayo siya at patakbong lumapit dito at binigyan ng mahigpit na yakap.

"Hey, hey. Alright, you missed me that much." Tumatawa nitong ani at niyakap siya pabalik. Inalayo siya nito saglit, he titled his head sideward and gave her a peck in her cheek.

Natawa naman siya at lalong isiniksik ang sarili rito.

"Duh, you've been gone for years. Nakabalik na ko't lahat lahat sa paglalayas ko pero ni bumisita hindi mo nagawa. I'm getting married." She whispered the last words.

"Yeah, I heard. Well, let's see if that man can handle you. Kung hindi naman then just divorce him, ayos ba?" Brent's eyebrows were wiggling.

"Stop suggesting ideas to your cousin, Brent. Dito sila magpapakasal sa Pilipinas. We'll file a marriage license next week, ipapadala ko rito. Just sign it."

Napabitaw siya sa pinsan.

"What?! Next week? That's fast, may girlfriend nga iyong tao." Naiinis na saad niya.

Hindi ba narinig ng Papa niya na may girlfriend ang Ambrose na 'yon? Na mas pipiliin na pakasalanan ang babaeng 'yon kaysa sa kaniya?

"What? Ipapakasal mo sa lalaking may ibang karelasyon si Nath? Tito naman." Unlike Elijah, her cousin Brent has a foul mouth. Hindi ito nangingiming magsalita sa Papa niya. He's also older than Elijah by 3 years. Brent's already 33, at ito talaga ang sumbungan niya noon pa man bukod kay Elijah. Sa bahay ng mga ito siya madalas tumuloy kapag nagbabakasyon sa California.

Brent's the son her Father wished to have pero puro babae ang naging anak nito.

"Exactly! Pinamukha na nga nung tao na ayaw niya magpakasal sa'kin eh." Lumingon siya sa pinsan at inikot niya ang dalawang kamay sa braso nito. Naghahanap ng kakampi.

"Its for the best, anak. Please." Huminga ito nang malalim at malamlam ang matang tumingin sa kaniya.

She just rolled her eyes and stayed silent.

Hinarap niya ang pinsan. She snake her arms around his nape.

"What are you doing here? The last time I checked you were in a very confidential mission huh? Ni hindi ka man lang nagpasabi at nawala ka na lang." Pairap irap pa niyang tanong dito.

Brent's working in some sort of organization. Hindi nga lang niya alam kung saan mismo.

"I'll be your bodyguard, Princess." Magaan ang ngiti na binigay nito sa kaniya.

COMMANDO 1: Nathalie JeanWhere stories live. Discover now