Chapter 24

275 8 2
                                    

Hey, Lovies! Happy reading. Ilang chapters na lang at matatapos na, hang in there, ight? Thank you for reading! xx

----

KUNOT na kunot ang noo niya simula pa kanina pagpasok niya sa opisina. She woke up because her phone's ringing non stop. At nang tingnan niya iyon ay ang walang hiyang Androse na naman ang tumatawag.

Ilang araw na ang lumipas noong inuwi siya nito sa bahay ng binata. Simula ng araw na iyon ay walang tigil siya nitong kinukulit at pinadadalhan ng kung ano ano. Gaya na lang kanina, nagpadala ito ng almusal na may kasama pang bungkos ng bulaklak.

May kasama pa iyong letter.

"I want to be the reason behind your smile because surely you are the reason behind mine."

Ang corny!

At ngayon naman, lunch time, dumating ang binata na may dalang pagkain. Ilang beses na rin niyang pinagsabihan na ayaw na niyang makita ni anino nito pero hayan. Inaaraw araw siya.

"Androse, alam mo? Mas makulit kapa sa bata. I can ask my secretary para bilhan ako ng pagkain. And the flowers, hindi mo naman ako kailangang padalhan. Nakalimutan mo na ba? Ikakasal na ko sa kapatid mo. Truth is nag apply na sila for marriage license."

Hindi naman nawala ang ngiti ng mokong, "Yeah. Yeah, I know. Ako nga ang nag fill up nung isa eh."

"Ano? Bulong ka nang bulong diyan hindi kita maintindihan." Asik niya.

"Wala, come on. Let's eat, sayang naman ang mga ito kung hindi ka kakain. Madaming nagugutom na bata."

Nilabas ni Androse ang mga pagkain mula sa paper bag na dala nito at saka nilagay sa center table ng opisina niya.

"Just this once, okay? Bukas huwag kana pumunta rito. Please." Pagod na saway niya. Ilang araw na silang ganito.

"This one's good, I promise." Iniumang nito ang kutsara sa bibig niya. Wala naman siyang nagawa kung hindi ang tanggapin iyon.

Bakit bigla biglang naging ganito ito sa kaniya? Inutusan na naman kaya ito ni Ambrose? O baka naman bored lang talaga siya? Or naguilty? Kaya naman ginugulo siya nito ngayon.

Tahimik siyang kumain, tumatanggo at umiiling lamang siya kapag kinakausap siya nito. Pagkatapos nilang kumain ay ito na rin ang nagpresintang mag ligpit ng mga pinagkainan nila.

"Hey, I'm done." Umupo ito sa tabi niya at sumandal. Pinikit nito ang mga mata.

Pumatagilid siya ng upo paharap dito. Androse can still make her heart beats faster. Nagtataka nga rin siya, nung unang kita niya kay Ambrose hindi niya naramdaman iyon. Tanging kay Androse lang.

Maybe her heart knows its owner. Walang iba, simula noon hanggang ngayon. Si Androse lang. Siya lang.

But things changed, walang patutunguhan ang nararamdaman niya kung hahayaan niya iyon. She heavily sighed.

These past weeks had been exhausting for her part. Ang daming nangyari, masyadong mabilis na hindi na nga siya halos makasabay. Aahon pa lang siya sa isang problem hayun at mayroon na namang bago.

Isinandal niya ang ulo sa couch at saka ipinikit ang mata. Parang hinila na rin siya ng antok gaya ng lalaki.

Bigla ay hinila nito ang isang kamay niyang nakapatong sa kandungan niya at dinala iyon sa ibabaw ng hita nito. Dumilat siya at tumingin dito.

Aalma na sana siya nang magsalita ito, "You always give me this peace whenever I feel burnt out. Hindi mo lang alam noon, pero after mart I would go to the office. Or kapag sinasabi kong may kailangan akong gawin o may emergency. Sa office ako pumupunta. I had to troubleshoot some things, you know, the usual business set up. Makita lang kita pakiramdam ko okay na ko. Wala na 'yung buong araw na pagod ko. You're like my haven in this chaotic world. But then I fucked up."

COMMANDO 1: Nathalie JeanWhere stories live. Discover now