Chapter 12

160 8 1
                                    

Happy Reading, Lovies! This chapter has been a little emotional for me. Muntik na akong maiyak. Votes and comments are highly appreciated. Thank you for reading!

------

BAGO siya nawalan ng ulirat ay naramdaman niya ang matigas na bagay sa gitna ng kaniyang dibdib. Putting some force against her chest. Kasunod niyon ay ang malambot na bagay sa bibig niya. Bumubuga iyon ng hangin papasok sa bibig niya.

Mabigat ang dibdib niya at sumasakit ang kaniyang lalamunan. Hindi siya makagalaw o makadilat man lang.

"Liean! Verdammt! Breathe! Liean, don't you die on me. Open your eyes." Marahas na utos nito.

Liean? Isa lang ang tumatawag sa kaniya niyon.

(Ley-an.)

"Fuck, darling. Please, open up." Kasunod niyon ay pag lapat ulit ng malambot na bagay sa kaniyang bibig.

--

Elijah Walter

"Fuck, darling. Please, open up." There was no response.

Ilang chest compressions pa ang ginawa niya bago ito umubo na may kasabay na tubig.

Doon lang siya nakahinga ng maluwag.

He patted her cheeks, urging her to open her eyes. Pero wala.

Kinabahan ulit siya.

Pinangko niya ang dalaga.

"Benjamin! Benjamin! Open the damn car." Tinawag niya ang head servant sa mansion ng kaniyang tiyuhin.

He just came back from Germany at dito siya dumiretso pagkagaling sa airport dahil nabalitaan niya ang nangyari sa kaniyang pinsan.

Marahil ay nagmumukmok ito.

But then what he witnessed was beyond that. Her cousin, Nathalie. His dear Liean was in the pool, looking lifeless. That shit scared him.

"Drive the fucking car. Hurry up." Kalong kalo niya ang pinsan sa backseat.

Agad namang pinaharurot ng lalaki ang sasakyan papunta sa pinakamalapit na ospital.

Wala pa ring malay ang dalaga.

Mabilis ang naging byahe ngunit para sa kaniya ay napaka tagal niyon. Hindi traffic pero he felt like they traveled for hours.

Minutes had passed and they reached the hospital. Sa emergency sila dumiretso at inihiga ang pinsan sa kama.

"Fuck it. Do something!" Bulyaw niya sa mga tao roon. Marahas niyang hinawakan ang batok at naglakad ilang hakbang palayo sa pinsan.

Namumutla ito at nangingitim ang mga labi. Lupaypay ang ulo.

What in the world happened? Nag balak ba itong magpakamatay? Na kung hindi siya dumating ay marahil nangyari nga.

He needs to call his uncle pati na rin ang dalawang pinsang babae na kapatid nito.

He dialed Alexa's number.

"Hey, my not so hot cousin. Nakauwi kana ba?" Bungad nito sa kaniya.

He drastically let out a sigh.

"I went to your home, I...uhm...saw Liean. She was in the pool, drowning." He heard a loud gasped.

"I-is she..is she o-okay?"

"I don't know yet, nandito kami sa ospital. Call your dad and Eleanor. Hihintayin ko kayo rito."

He ended the call and sat to a chair attached to the floor. Naihilamos niya ang dalawang palad sa mukha.

Out of his cousins, kay Liean siya pinaka close. Nitong nakaraan lang sila hindi nagkita dahil naglayas nga ito. He was not against that, ang hindi niya gusto ay kahit sa kaniya ay hindi ito humingi ng tulong o tumawag man lang para hindi siya nag alala nang husto.

COMMANDO 1: Nathalie JeanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon