Chapter 20

207 5 0
                                    

Hey! Enjoy reading. Thank you for giving my story a chance and your time. Be wild and loud xxx

--

MADILIM ang mga mata ni Androse nang bumaba iyon sa katawan niya. Imbes na magsisi na ganoon ang suot niya ay mas nakaramdam siya ng tuwa.

Ha! Take that, see what you'll miss out ngayong magiging asawa na ko ng kapatid mo.

Though, wala naman siyang balak magkaroon ng intimate moments with Ambrose.

"What? Let me go." Androse did not let go of her arm. Hinila pa siya nito lalo palapit sa katawan nito.

"Ano ba?" She hissed.

"Pare, let Nath go." Maangas ang pagkakasabi ni Brent no'n kay Androse. Lalong nangunot ang noo at halatang nakainom din.

Gamit ang isang kamay ay pilit niyang tinatanggal ang pagkakahaw nito sa kaniya.

"Last time I checked wala kang karapatang hawakan at kwestiyunin ang kapatid ko." Hinila siya ni Lexa pabalik sa grupo nila matapos nitong sabihin iyon.

"Let's just be on our ways, aight? Kita mo ng ayaw ka naman makita nitong si Nath. Right, Nathalie?" At ang kumag niyang pinsan ay may plano pa atang mang inis.

"Jean, please. Let's talk? Please?" Masuyo itong nakatingin sa kaniya habang marahang hinawakan ang isang kamay niya.

She can't feel anything. She just wanted to be fine.

Hindi siya sumagot at binawi ulit ang kamay dito. Inaya na niya ang mga kapatid at dalawang pinsan at nauna na siyang umupo sa isang stool.

Bago pa siya makaorder ay may tumabi sa kaniya.

It was Androse. Again.

Pinigilan niya ang sarili na irapan ito.

"Androse, please. Leave me alone. There's nothing to talk about." Naiinis na talaga siya. Pano siya makakapag move on kung heto at kinukulit na naman siya?

Nandito nga siya para magliwaliw diba.

"No, let's talk about me and you? Us." Ibinuka nito ang dalawang hita at inipit siya roon.

"Us? Tapos na tayo, so technically wala na tayong dapat pag usapan."

Ilang beses itong umiling bago sumagot, "Hell no, hindi naman tayo nagbreak."

"I won't say this again, pero pwede bang umalis kana? Ilang beses mo bang kukulitin itong si Nath? Sinabi ng wala nga raw kayong pag uusapan. Kailangan pa ba kitang ipakaladkad palabas dito?"

Androse just gave Brent a smug look.

Tumayo ito at humarap kay Brent na nakapwesto sa likod niya.

Marahas na hinila nito ang kwelyo ng pinsan. Magkasing tangkad ang dalawa, masama ang tingin sa isa't isa.

Bakit ba nakakastress and buhay ko?

Hinawakan naman ni Brent ang kamay na nasa kwelyo nito. Kapag nabadtrip ang pinsan niya at pumatol kay Androse ay siguradong bugbog sarado ito.

Knowing Brent. Lalo na at nakainom pa si Androse.

Tumayo siya at pumwesto sa gilid ng mga ito.

"Androse, stop it. Ano kaba?"

"Ah, ngayon naman ipagtatanggol mo ang lalaking ito?" Malungkot ang mukha nitong nakatunghay sa kaniya.

Bago pa man siya makasagot ay may mga lalaking dumating sa pwesto nila at pilit na hinila ang binata palayo.

COMMANDO 1: Nathalie JeanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon