Epilogue

306 7 2
                                    

Here it goes, people. Again, thank you so much for reading this story. Every chapter came from my heart and I'm the happiest to be able to share it with you. Don't hesitate to ask questions or give your feedback. I would love to interact with you. Happy reading, Lovies. Finally, the first installment's done. I will start writing my new fantasy story, "The Cursed Huntress." Don't forget to check that out. See you there! Also, Lexa and Eleanor will have their own stories. Stay tuned! xx

----

SHE'S literally on the verge of pinching Androse' cheeks. Hindi niya alam pero sobrang cute sa paningin niya ngayon ang kaniyang groom to be. Yes, she's engaged and to be wed with him.

"Come on, sweetheart. Sumabay ka na sa'kin sa biyahe. Hmm?" Androse asked while wiggling his brows. Ang dalawang kamay nito ay maingat na nakapatong sa magkabilang bewang niya.

Nasa bahay nila ang binata at kanina pa siya kinukulit nito na sabay na lang silang pumunta sa Marina. It's a private resort located in Batangas. Doon gaganapin ang kasal nila bukas. Almost two months have passed since she said yes to his proposal.

Nang i-reject niya ang proposal nito na nangyari sa bahay nila ay hindi ito sumuko. Araw araw itong nanliligaw, kahit daw sagutin na lang niya ito bilang boyfriend tapos maghihintay na lang daw ito kung kailan niya gustong magpakasal sila. Ang loko edi parang um-oo na rin siya sa proposal nito. 'Yun nga lang hindi official. Nang maging maayos ang lahat ay hindi rin siya nakatiis. Pumayag din siya. Gusto rin naman talaga niyang magpakasal dito. Masyado lang magulo pa noon at wala pa siya sa tamang pag iisip.

"What if you change your mind about marrying me? Paano kung umalis ka na lang bigla ulit ha? You literally said no to my proposal the first time." Hindi naiwasang mapangisi, hanggang ngayon kasi hindi ito maka move on sa pag reject niya rito. But hey, pumayag naman na siyang ikasal sila ah. Its just that she needed time.

Hindi na niya pinigilan ang sarili at sinapo niya ang magkabilang pisngi nito.

"Androse, you already know the reason why I said no. Diba? It's not because I don't want to marry you. It's because I needed time for myself. To work on myself, to be the woman who deserves you and your love. Gusto kong maayos kami ni Papa bago ako magpakasal sayo." She lightly caressed his jaw. That makes him calm but he did not stop sulking. Naka pout pa ang loko.

He pulls her closer to his body making her feel contented and happy. Sa ganoong paraan ramdam niya ang pagmamahal nito. Pagmamahal na pakiramdam niya lunod na lunod siya. Naguguilty tuloy siya noon dahil naisip niyang hindi talaga siya minahal or mahal nito. Na lahat ng pinakita nito sa kaniya ay kasinungalingan lang para makuha ang loob niya.

Malay ba niya, nagsinungaling ito sa kaniya tungkol sa pagkatao nito.

"Kasi naman, you could have said that you needed time or pwede mo naman ayusin iyon habang engaged tayo. Bakit kailangan mo pang i-reject ako ha?" Asik nito sa kaniya.

Ever since she rejected him palagi itong natatakot na baka raw magbago ang isip niya. Na baka bigla na naman niyang maisipan na maglayas. Which she always assured him na hinding hindi niya gagawin. Hindi niya naisip na magiging ganito ang epekto ng pag hindi niya rito.

She planted a soft kiss on his lips, "Sorry na nga po. You know how much I love you, Androse. Nakita mo naman kung paano ako nasaktan when I discovered that you lied to me. Magulo ang isip ko noon. Yeah, you said how sorry you are. Pero hindi naman dahil nagsorry ka maibabalik na rin non agad ang tiwala ko. I needed time to think. To weigh things." Tuluyan ng yumakap ito sa kaniya. Ang baba nito ay nakapatong sa kanang balikat niya habang marahan ang pagpisil ng dalawang kamay nito sa bewang niya.

"I know, I know. And thank you for trusting me again. Thank you for saying yes. Thank you for giving me another chance to prove my love. Mababaliw talaga ko kapag iniwan mo ko. Ipapasok ako nila Ambrose sa Mandaluyong, gusto mo ba iyon?"

Isang malakas na tawa ang lumabas sa bibig niya bago niya marahang tinulak ang dibdib nito para magkaroon ng space sa pagitan nila. Loko loko talaga ang lalaking ito kahit kailan.

"Duh, matagal ka ng baliw no. Baliw sa'kin." She even winked at him.

"Oh, wife. Kung alam mo lang talaga." Siya naman ang yumakap dito para itago ang kilig dahil sa bagong endearment nito sa kaniya. "So, sasabay ka na sa'kin?" Kulit na naman nito sa kaniya. Mukhang mas matatahimik ang buhay nila kung papayag na lang siya na sumabay dito.

"Alright alright. Sasabay na ko sayo. Pero ikaw din baka hindi na talaga matuloy ang kasal na'tin." Nasa mood siya na asarin ang Fiance. Agad naman na sumimangot ang gwapong mukha nito. "Sabi nila diba bawal magkit bago ang kasal. Eh ikaw halos araw araw ka nandito. Sabi ko huwag ka na pumunta ngayon eh. Ikaw din sige."

"As if I will let that happen. The moment you gave yourself to me I already marked you. Hindi ko hahayaang makawala ka pa sa'kin. You got that?" Ah, his possessive husband to be.

"Aye aye, Captain." She joked.

Ah, to have a lifetime with this man. Who would have thought? Hindi niya akalaing ang lalaking naging crush niya sa Jeep ang mapapangasawa niya. Everything fell into their right places. Slowly but surely. She can't ask for more. Her heart is overflowing with joy.

Androse may be different from the prince charming that every woman wished to have. He comes with flaws, he's possessive, childish, a liar, and a lot more. But on the other page, he's loving. He loves her. At hindi ito sumuko sa kabila ng lahat. Hindi ito napagod na hingin ang kapatawaran niya. Hindi ito nagsawa sa pagtulak niya rito palayo at sa ilang beses na pag iwas niya. He waited until she's fully healed and ready. Ready to accept him to be with her. Always and Forever.

Never in her mind that she thought she'll be this happy. Nung naglayas siya ang gusto niya lang maging malaya pero sobra pa roon and binigay ng Diyos sa kaniya. Dumaan man sila sa maraming problema heto at sila pa rin. Sila pa rin sa huli.

Naalala pa niya ang pag iyak iyak niya noon. Hindi naman nasayang ang mga iyon. Naisip tuloy niya lahat ng problema lumilipas. Gumagaan. Nareresolba. Hanggang sa tuluyang maging maayos ang lahat. Kailangan lang kumapit at mag tiwala. At syempre ang hindi pagsuko.

She closed her eyes and silently talked to Him.

Will all my heart, I will be forever grateful to YOU. Thank YOU for giving Androse to me. Thank YOU for everything.

And 'Ma, masaya na po ang panganay niyo. Ikakasal na po ako.

COMMANDO 1: Nathalie JeanWhere stories live. Discover now