Chapter 21

199 7 2
                                    

Hey! Sorry it took quite some time for this chapter. I've been busy. But here it goes. I hope you'll like it. Thank youuu. Happy reading!

-----

ANDROSE and his friends were inside the VIP room. Kompleto silang lahat na ikinagulat niya, as if there's something important that they need to talk about.

"Code black, huh? Bakit malapit na bang mamatay itong si Smith number 2?" Nakangising tanong ni Easton. Another lunatic friend. "Kauuwi ko lang from Europe at dito agad ako dumiretso dahil nagpatawag itong si Collins."

Lima silang nakaupo sa paikot na sofa sa loob ng VIP room. Wala pa si Steve, marahil ay may inaasikaso pa sa bar.

"Kung hindi kapa umuwi baka sa mental hospital mo na makikita ulit itong si Androse." Sinamaan lang niya ng tingin si Collins.

Fuck, kasama na naman ni Jean ang kumag na iyon.

Iyon na ba ang ipinalit nito sa kaniya?

Isinandal niya ang balikat sa couch at pinikit ang mata. He doesn't have the energy to play around with his friends. Biglang bumigat ang pakiramdam niya.

Those eyes. Jean's eyes. Those pair of eyes used to look at him with so much love, and trust. Pero ngayon laging mabagsik, laging galit.

"What did I miss? Androse definitely looks like trash. Mukha kang hindi naliligo. Damn, man. Did you got dumped?" Easton sat beside him kaya napadilat siya.

"He did." Sabay sabay na sagot ng kambal niya, ni Thomas, at Collins.

Malakas na tawa ang sinagot ni Easton kaya naman agad niyang sinamaan ng tingin.

"Fuck, and who's this smart girl ha? Ang galing, iniwan ka."

"Oh, shut up."

Tahimik na nakisama sa drama niya ang mga kaibigan. He wanted to be alone, that's for sure. Pero siguradong kukulitin lang siya ng mga ito. Might as well have these fuckers to bring him home, para naman may pakinabang ang mga gagong ito.

"I guess she's dating that Brent guy." Labas sa ilong na saad niya. Kating kati talaga siyang bangasan ang mukha non. May paakbay akbay pa siya kay Jean.

"Says who?" Collins asked pagka tapos ay kumuha ito ng snacks sa gitna ng mesa.

Pumalatak si Thomas, "Well, that's like totally noticeable. Nakita niyo ang tingin ng isang iyon kay Androse kanina? Kulang na lang bumulagta ka dahil sa sama ng tingin sayo eh. Maybe, Nathalie told that Brent guy about you. Mind you, mas gwapo siya sayo." Binuntunan pa nito ng tawa. Hindi tuloy siya nakapagpigil at binato niya ng takip ng bote sa mukha.

Ang gago, nakaiwas!

"Oh, kaya ka nag dadrama ngayon. Pare, para kang babae. Kulang na lang umiyak ng balde." He needs to remind himself to banned Easton to his place. Nakakailan na ang isang 'to.

"Technically, ako dapat ang malungkot ngayon. She's my fiancé. Tingin mo? She would really date someone else knowing na ikakasal na rin siya?" Ambrose has a point. Pero bakit hindi bodyguard ang turing ni Jean sa lalaking iyon?

Hell, he even heard her saying I love you to him.

Fuck, his head's really be spinning by this time. Ang sakit na ng ulo niya dahil sa kanina pang pag inom.

Umiikot na rin ang paningin niya.

"Hey, give me some scotch." Nakapikit niyang utos sa mga ito. Hindi na siya nag abalang dumilat. He needed to forget na wala na si Jean sa kaniya. Kahit ngayong gabi lang.

Ngayon lang talaga. Nawawalan na siya ng lakas ng loob lumapit pa rito. For the fact na baka hindi na nito paniwalaan ang kung ano mang sasabihin niya.

Oh, sweetheart. I won't just surrender you. We'll end up together, I promise.

With that thought ay hinayaan niyang malunod ang sarili sa alak.

Nakailang bote pa siya. Habang ang baliw niyang mga kaibigan ay naglalaro. Ang kambal niyang si Ambrose ay nakatanaw lang sa glass door.

Marahas siyang tumayo buhat sa couch, "Oh shit! Wrong move." Tumatawa niyang ani.

Sumubsob ang mukha niya pabalik sa couch.

"A-argh, fuck you Brent. I swear, kapag hindi mo nilayuan si Jean I will break your bones! No, I will kill you!" Pinagsusuntok niya ang maliit na unan sa gilid ng couch.

"Hey man, what's happening?" Rinig niya ang boses ni Steve pero hindi siya nag angat ng tingin.

Sinubsob niya ulit ang mukha sa couch. Konti na lang ay pipikit na siya. Para siyang nasa amusement park at sumakay ng mga rides. Umiikot ang buong paligid.

"Her ex, Nathalie Commando, she's dating someone. At iyon ang lalaking kasama niya kanina. Remember the guy in the bar counter? That's him." He heard Collins explained.

Narinig niya pang muli ang boses ni Steve bago ipikit ang mata, "Brent?"

"The one and only, brother." It was Thomas who answered.

Steve's laugh echoed inside the room.

"You got it all wrong, they're cousins. Tanga, nagdadarama ka dahil doon?" Bigla bigla umangat sa ulo niya ang lahat ng katinuang natitira sa katawan.

Mabilis pa sa alas kwatrong napatayo siya dahil sa narinig.

"Cousins?! How did you even know that?" Hindi makapaniwalang saad niya.

He just shrugged, "Ah, perhaps because Brent's my friend? I invited him. He told me he would bring his cousins with him. So?"

Maybe it was his adrenaline or maybe just his love for Jean. Nawala bigla ang pagkahilo niya.

He felt alive. Malaki ang ngiting naglakad siya palabras ng kwarto para hanapin ang dalaga.

"Don't get too pushy, Androse. Do it slowly." Ambrose uttered.

Will he? Hmmm.

COMMANDO 1: Nathalie JeanWhere stories live. Discover now