Prologue

742 17 0
                                    


JEAN woke up early to get ready. Alas singko pa lang ng umaga ay gumigising na siya. Magluluto pa kasi siya ng almusal bago pumasok sa mini mart na tinatauhan niya bilang cashier.

Pupungas pungas siyang tumayo sa maliit na kama at dumiretso siya sa kanyang kusina. Nag init siya ng tubig pang kape. Hindi na kasi buo ang araw niya kapag hindi siya nakakapagkape. Nilagay niya ang kapeng sachet sa isang mug. Maliligo muna siya habang hindi pa kulo ang tubig.

She went to her bathroom. Mabilis siyang naligo at naghanda ng almusal pagkatapos. Itlog, pandesal, at kape. Perfect combination para sa kanya ang itlog na prito na pinapalaman niya sa pandesal sabay lalagyan ng ketsup. Halos araw araw ito ang almusal niya. Ewan ba niya at hindi man lang siya nagsasawa.

Yum!

Ganitong buhay ang gusto niya. Its been months since she runaway and chose to live the way she wanted to. Mahirap pero masaya siya. Fulfilling dahil lahat ng panggastos niya ay pinaghihirapan niya.

Hindi gaya noon. Nakukuha niya ang lahat ng gusto niya ng walang hirap pero para naman siyang isang hayop na nakakulong sa isang hawla. Lahat ng bagay ay dapat pinapaalam muna niya sa kanyang ama. Even when going out with friends may bodyguard pa siyang kasama.

Siguro para sa iba ay nasa kanya na ang lahat. A face that can be compare to helen of troy, an empire that she will soon inherit, a body that every women wishes to have.

But she can't be happy. Simple lang naman kasi talaga ang gusto niya.

Freedom.

Gusto niyang mamuhay sa kung paano niya gusto. Magawa lahat ng bagay na pinagkait sa kanya. Bumuo ng pamilya kasama ang lalaking mahal niya. Hindi yung lalaking pinipilit ng kanyang ama.

Speaking of that man. Ano kaya ang itsura ng fiancé kuno niya.

Ah, she shouldn't care. Siguro naman pagkatapos niyang umalis ay wala ng kasala ng magaganap. Hindi din naman siya makikita ng mga ito.

After having her breakfast ay nagsuklay na siya. Suot niya ang polo shirt na nagsisilbing uniform nila sa mart. Nagbaon din siya ng itlog at kanin dahil siguradong gabi na siya makakauwi. Nagresign kasi ang panghapon nilang cashier. Hindi tuloy siya nakakalabas para kumain kapag lunch break na.

"Aling nena, aalis na po ako." Nagpaalam na siya sa landlady ng inuupahan niyang kwarto.

Pagkatapos niyang lumayas sa kanilang mansion ay sa tondo siya napunta. Nung unang araw niya sa lugar ay abot langit ang takot niya. Pano ba naman kasi nakakatakot ang mga tao. Maingay, makalat, at delikado. Sa isip niya, siguradong hindi maiisip ng daddy niya na hanapin siya dito. Hindi siya sanay sa magulong lugar.

She grew up in a friendly village na halos lahat ng nakatira ay magkakakilala. Pano ba namang hindi? Most of the people who live in their village are business magnets and politician. Hindi naman kasi basta basta ang presyo ng mga bahay doon.

"Sige ganda, basta ba umuwi sa oras." Paalala nito sa kanya. The lady was in her 40's. Walang asawa at anak. Halos lahat ng tao sa kanilang barangay ay ganda ang tawag sa kanya.

Hindi daw kasi siya bagay sa lugar nila. The thought made her smile.

"Opo, baka gabihin lang po ako ng kaunti dahil ako din po ang nagsasara ng mart." Ngumiti siya.

Naglakad na siya papunta sa paradahan ng jeep. Malayo layo din kasi ang mart na pinapasukan niya.

"Bayad po." Inabot niya ang bayad sa driver at umayos ng upo at tumingin sa daan.

"Makikiabot ng bayad." She immediately turn around to take the coins. Pero imbes na kunin and baryang bayad ng binata ay napatitig siya dito.

The man was smiling at her. Chiselled jaw, deep brown eyes, proud nose, and sinful lips. The man was beyond this world kahit na simpleng tshirt at pantalon lamang ang suot nito.

Parang hindi nga bagay sa binata ang magjeep.

Sanay siyang nakakakita ng mga gwapong adonis kaya nagtataka siya kung bakit parang iba ang isa ito.

"Miss?" Agad namang bumalik ang diwa niya. Pati ang boses ay makalaglag panty.

Dahan dahan niyang tinaas ang kamay upang abutin ang bayad ng binata. "Ah, sorry."

"Salamat." Nginitian na lamang niya ang lalaki at tumingin sa ibang direksiyon.

Jusko! Ang pogi. Mukha pang mabango.

She can't take it. She can feel the intense gaze of the man. Kinikilabutan siya at hindi makahinga. Dahan dahan niya itong nilingon at sa gulat niya ay nakatingin din ito sa kanya.

Her eyes widen in shocked. Kaya kahit ilang kanto pa bago ang mart ay pumara na siya. "Para ho, sa tabi lang manong". Pero sadyang mapagbiro ata ang tadhana. Hindi narinig ng driver at tuloy tuloy lamang ang andar ng jeep.

She tightly close her eyes. Nakakahiya. Katabi pa naman niya si pogi.

"Sa tabi lang." The man said. Tamang tama at bababa na din siya. She instantly step out of the jeep. Dinama niya ang kanyang dibdib. Her heart was beating so darn fast.

Nalove at first sight ata siya kay pogi. Hindi niya magawang lumingon kung bumaba din ba ang lalaki.

Ah.
Ang ganda ng simula ng araw niya.
Naglakad na siya papunta sa mart na mayroong malaking ngiti sa labi.

A/N: Hope u enjoy it!

COMMANDO 1: Nathalie JeanWhere stories live. Discover now