Chapter 8

155 8 0
                                    

This is a short update, medyo nawawala ako sa momentum. Enjoy!

------

AMBROSE'S hands were wrapped around her waist while they walk within the heart of Divisoria. Dito niya dinala ang binata ngayon ay nasa Tutuban Night Market sila. Sa higpit ng hawak nito sa bewang niya ay parang sinasabing takot ito na mawala siya. Hinayaan na lamang niya ang binata kahit ba kulang na lang ay yakapin siya kapag medyo siksikan na at may nakakalapit sa kaniya.

"Ano ba kasing bibilhin mo dito?" Ginawa niya rito ang tingin.

Nakakunot ang noo at medyo asar ang gwapong mukha.

"Gusto ko lang mag food trip. Ayaw mo non, murang date? Kwek kwek lang keri na." Hinila na niya ito sa bahagi kung saan nakalaan para sa mga street foods.

They were bunch of street foods. May buy 1 take 1 na shawarma, dynamite, one day old, kwek kwek, siomai, kikiam, at iba pa.

She giggled. Kumuha siya ng tig isang order ng mga napili niyang kainin at namili na rin siya ng inumin. Nang napansin niyang nakatitig lang sa kaniya ang binata at hindi pa umoorder ng pagkain nito.

"Hoy, anong gusto mong kainin?" Agaw pansin niya rito.

"Uhm..ah, ano bang masarap?" Nagkamot ito ng batok at humarap sa mesa kung saan naka display ang mga pagkain.

Ngi, hindi pa kaya nito naexperience na kumain sa ganoong lugar?

"Lahat naman masarap, depende lang sa panlasa mo. Hindi ka pa ba nakakatry sa ganito?"

"To be honest...hindi pa, ayaw ng mommy ko sa mga ganito. Madumi raw at hindi healthy so I never really tried it growing up."

Grabe, kahit nga mayaman kumakain ng ganito ah.

"Alam mo konti na lang iisipin ko talagang anak mayaman ka."

Nawala naman ang atensiyon niya dito ng iabot na ng tindera ang mga order niya.

"Mayaman lang ako sa pagmamahal ko sayo, pero bukod doon wala na."

Para namang nagliparan ang mga paru-paru sa tiyan niya.

Isang banat pa lang nito pero parang pwede na siyang umuwi sa kilig.

Minsan lang bumanat pero pag bumanat naman parang maiihi na siya. She bites her lower lip, suppressing a smile.

Kumuha na lamang siya ng isang dynamite at kumagat doon.

"Share na lang tayo, sayang naman kung hindi ko maubos kapag hindi ako nasarapan." Pagkatapos ay isinubo nito ang natirang dynamite na hawak niya.

Sumayad pa ang basang dila nito sa daliri niya. Tumaas ang balahibo niya, pero kay Ambrose parang wala lang iyon.

Hindi pa ata siya nakakamove on sa nangyari sa stock room kanina. Lahat na lang nabibigyan niya ng malisya.

Inabot niya ang plastic cup na may lamang Cucumber Lemonade at sumipsip sa straw non. She swallowed na para bang sa ganoong paraan ay mawawala ang init na nararamdaman niya.

Saglit pa silang nanatili roon bago niya ito niyayang maglakad lakad matapos magbayad.

Ang isang kamay nito ay hawak ang plastic ng natira nilang pagkain at ang isa ay nasa bewang niya. Siya naman ay nakatuon sa mga stall, baka may magustuhan siyang bilhin.

Nakarating sila sa isang stall na puro pantulog ang tinda. Nakakita siya ng duster kaya naisipan niyang lumapit. Napabitaw naman ang kamay ni Ambrose na nakapulupot sa kaniya.

Nahiligan niyang gawing pantulog ang daster, malambot kasi tapos ang lamig pa sa katawan. Its so comfy!

Pumasok siya sa loob ng stall at namili sa mga naka display.

"Here, cute ito." Agaw pansin sa kaniya nito na may hawak na isang duster na bahagya nitong itinaas para makita niya. Medyo mahaba iyon na umabot hangang baba siguro ng tuhod niya.

Tinignan niya iyon, "Magkano ho dito, ate?"

"120 na lang, suki. Bilhin mo na, bagay 'yan sayo at mas puputi ka."

"Wala na ho bang tawad? Dalawa na ho ang kukunin ko." Ungot pa niya sa tinder.

Nagulat naman siya ng may inabot ang binata na apat pang duster sa tindera, "Eto pa ho, bibilhin din namin. Bale lima na lahat."

"Mukhang pinaghahandaan na ni mister mo ang paglaki ng tiyan mo ah? Mas makakamura ka nga naman sa duster kumpara sa maternity dress. Ilang buwan na ba 'yan?" Kung may kinakain siguro siya sa oras na 'yon ay baka nabilaukan siya sa tanong ng tindera sa kaniya.

Siya? Buntis? Mister? Si Ambrose?

The thought of having Ambrose made her feel something. Warm. Ang isiping ito ang magiging ama ng anak niya ay para siyang idinuduyan.

Naglakad palapit sa kaniya si Ambrose at muli ay pumulupot ang braso nito sa kaniya bago sumagot sa tinder.

"Wala pa ho, gagawa pa lang kami." Hiyang hiya siya, kaya naman tinago niya ang mukha niya sa dibdib nito.

"Ku, nahihiya pa. Mukhang bago pa lang kayong mag asawa." Inabot nito ang malaking plastic laman ang mga duster na pinili ni Ambrose. Binayaran naman iyon agad ng binata.

Nagpasalamat silang dalawa at naglakad na palayo.

Habang naglalakad ay hindi niya napigilang kurutin ito sa bewang.

"Anong pinagsasabi mo doon sa ale ha?" Nang uusig ang mga mata niya.

Agad na gumuhit ang ngisi sa labi nito, "Ano? Hindi naman masamang idea na magka anak tayo ah? Kung gusto mo nga kayang kaya na kitang buntisin ngayon, sabihan mo lang ako."

"Ambrose! Isa!" Sapo nito ang tiyan at tatawa tawang hinila siya nito at hinalikan sa ulo.

"Soon, sweetheart. Soon." Tumawa lang ito ng pabiro niyang kurutin ulit.

Saglit pa silang nag ikot ng mapag pasyahan nilang umuwi na. Inihatid siya nito sa apartment niya bago umuwi sa tinitirhan nito sa Taguig. Umuupa raw ito kasama ang dalawang kaibigan sa isang medyo kalakihang apartment doon.

COMMANDO 1: Nathalie JeanWhere stories live. Discover now