Chapter 10

172 8 2
                                    

KINAGABIHAN ay maaga siyang nakatulog dahil din madami dami silang ginawa. Naligo sila sa Kawa hot bath, parang isang malaking kawali iyon na may kahoy na umaapoy sa ilalim at may mga bulaklak ang tubig. Nag zip line rin sila. Naligo rin sila sa kalapit na river kinahapunan at talaga namang nag enjoy siya. Kinulang siya ng dalang damit dahil hindi naman sinabi ni Ambrose na maliligo sila sa ilog.

Kinilig pa nga siya kasi dinalhan pala siya nito ng extra. Ang pagkain din nila ay ito ang nagdala. May packed rice at ibang putahe ng ulam itong dala na nasa ziplock at nakisuyo na lang sila sa guide para mainit iyon.

It went perfect kaya gabi na rin sila nakauwi kinabukasan. Sa sobrang pagod ay nakatulog agad siya pagkauwi, dumaan naman sila sa drive thru kaya hindi siya gutom.

-----

Napaungol siya sa sinag ng araw na dumampi sa mukha niya. Pumikit siya ng mariin at nag unat ng katawan. Agad namang bumuluga ang dibdib niya nang bumaba ang kumot sa bewang niya. Kinuha niya iyon at kinipkip para matakpan ang dibdib.

Lumipas ang ilang buwan at naging smooth ang lahat. She even said she wanted to marry Ambrose. At first nagulat ito at hindi agad nakapagreact. Kinailangan pa niyang sundutin ang pisngi nito. Pagkatapos ay umalis na lang bigla at may gagawin daw importante. Kinabukasan ay hindi ito pumasok kaya hindi niya mapigilang magtaka at magtampo. Naging ganoon lamang ang binata nung sinabi niya iyon.

Parang tanga. Hindi man lang ata natuwa.

Kaya ang ginawa niya hinayaan na lang niya. Napansin siguro nito ang pag iwas niya kaya naman ayun at nagsimula itong suyuin siya.

Nang itanong niya kung bakit bigla itong umakto ng ganoon ay dahil sa sobrang saya raw nito. Dahil sa kilig ay hindi siya nakatiis at binati na niya ito.

Iginala niya ang mata sa kaniyang apartment. Mukhang umalis na si Ambrose. Dito kasi ito natulog kagabi. Napangiti siya, simula nang may mangyari sa kanila ay naging mas sweet ito. Madalas ay sa apartment niya natutulog at sabay silang pumapasok kalaunan.

Ah, maaga sigurong umuwi at baka walang dalang damit.

"Are you sure? I mean, I can wait for you to be ready." Malamlam ang mata ni Ambrose na nakatingin sa kaniya. Para bang hirap na hirap ito pero pinilit pa rin siyang tanungin.

Nakahubad siya at nasa ilalim nito. Galing sila sa isang sikat na Resto sa Pasig at doon nag dinner. Surprise raw dahil anim na buwan na silang dalawa. Nagulat nga siya dahil noong mga unang buwan ay wala namang ganoon silang ginawa. Basta iba ang araw na 'yun.

Hindi na lang siya nagreact at baka humaba pa ang usapan.

Ngayon para bang gusto nitong tumanggi siya at sumagot ng hindi pero ang mata nito at ang bagay sa pagitan ng dalawang hita ay kabaliktaran naman ang gusto.

Wala siyang maisip na gawin kung hindi ang hawakan iyon at ilapit sa nakabuka niyang hita.

Sabay naman silang napapikit dahil doon.

"I'm ready."

That started their intimate moments. Simula noon ay para bang kahit maliliit na kilos ng isa't isa ay nagpapainit sa kanila.

Her phone rang. It was her sister Lexa.

"Good morning. You called early, what's up?"

"Pack your things, it was Ambrose. All along it was him. Fucking hell." She was confused. Nag aalala ang boses nito at halatang nasa byahe dahil rinig niya ang lagitgit ng gulong nito. Mukhang mabilis ang pagpapatakbo.

"Calm down will you? Ano bang sinasabi mo? Si Ambrose ang ano? Ayusin mo nga kinakabahan ako sayo." Kinagat niya ang labi at napaupo nang ayos sa kama.

Huminga ito nang malalim bago sumagot, "It was your boyfriend, I heard it from Papa. Ang akala ko ay ibang Ambrose pero I saw the news. Sa kaniya ka nakatakdang ikasal."

COMMANDO 1: Nathalie JeanWhere stories live. Discover now